CHAPTER 33

3.5K 90 0
                                    

    "Oh, anu ready na ba kayo ng baby natin Bee? "Malambing na bungad ni Carly sa kanya ng sumilip ang ulo nito sa pinto ng silid nya.
     Tatlong weeks na ang nakalipas simula ng nakabalik sya sa pilipinas. At sa tatlong linggong iyon. Naging masaya at excited silang dalawa ng kaibigan na magwindow shopping muna ng mga gamit ng magiging baby nila. Lahat na ata ng mga may mapagpipiliang mga malalaking tindahan ng para sa mga babies stuffs napuntahan na nila. Sinuyod at binusisi nilang pareho ang quality noon.
     Nang matapos nilang mapagdiskusyunan iyon. Muli nilang binalikan ang mga tindahan na nakaagaw ng  atensyon nila. Saka bumili ng mga napiling gamit ng baby.
    Di lang iyon, pati names ng expected baby ay napagpasyahan na rin nilang dalawa. Super excited talaga ang naging feeling nilang dalawa habang nagsashopping sila.
   Sa kanilang dalawa kasi si Carly ang napaka-metikulosa pagdating sa gamit ng baby. Simula sa ulo hanggang sa gamit sa paa. Binusisi nitong lahat. Pag may kaunting sinulid na lumabas agad nitong ginugupit para raw di mangati si baby. Pati  nga mga feeding bottles maingat din nilang binusisi iyon dahil iyon daw dapat ang matutukan nila para safe rin si baby.
   Halos makompleto na nila ang kagamitan ng baby na nabili.Malaki-laki rin kasi ang naging savings nilang dalawa. At dahil magiging future wife at husband sila. Pinag-isa na lamang nila ang perang napag-ipunan nilang dalawa.
     Nag-kausap na rin sila sa magiging settings nila sa bahay. Talagang sinisimulan na ni Carly na ipraktis ang gagampanang papel para raw di sila mapagtuunan ng pansin ng kanilang mga lola at ina pag-uwi nila ng probinsya.
      Ang tanging inempaki nila ay ang gamit ni beeya at mga medicine nya sa pagbubuntis. Di nman kasi naging maselan si Beeya sa paglilihi. Wala syang inaayawang pagkain, bagkus naging matakaw sya sa tatlong linggong nagdaan. Any fruits at pagkain na iuuwi sa kanya ni Carly or pagkaing paluluto nya rito kinakain nya iyon. Ngunit si Carly ang nagkokontrol niyon. Minsan pinupuslitan nya ang kaibigan sa pagkaing kinokontrol nito dahil lalo syang nagki-cravings.
      At ngayon nga uuwi sila ng probinsya dahil sa susunod na linggo ay muling sasakay sa eroplano ang kaibigan at ilang days itong mawawala dahil international ang flights nito. 
   Na wo-worry kasi ito sa kanyang kalagayan dahil baka raw magutom sya sa apartelle nila dahil nga wala ang lalaki doon para ma-monitor ang kanyang kalagayan. Akala nman nito kasi paslit sya at di marunong magluto sa sarili nya na may punto nman talaga ito dahil nakakaligtaan nya talaga.
   Napakatakaw nya kasi sa tulog kaya ng minsan umalis ito ng maaga pagkauwi nya tulog pa rin sya. Nasabon tuloy sya ng baklang kaibigan.  Tila ito inahing manok sa kakaputak sa kanya. Ito kasi ang nagbabantay ng pagkain at kilos nya na bawal sa mga buntis na gawin.

   "Yes. We're ready to go and I cannot wait to climb any fruits trees in our farms Mommy. "Nakangiti at excited nyang wika sa kaibigan. Mommy ang gustong patawag ni Carly. Kasi they're both baby's beautiful mommies ayun sa baklitang kaibigan. Pinagdiskusyunan pa nilang dalawa iyon. Dahil sya daddy ang tawag dito na ikinagalit ng una kasi ayaw nito. Tawa sya ng tawa sa reaksyon ng mukha ng lalaki. Tila kasi ito nakakita ng pangit multo ,di maipinta ang pagmumukha ng kaibigan. Sa harap lamang ng pamilya nila pumayag itong patatawag ng daddy na ikinadidiri nito.
     "Beeya gusto mo bang masabunutan kita ng wala sa oras? "Biglang napaseryoso ito at nakasimangot nitong wika.
"Ah eh bakit nman?  Natural lang nmang akyatin ang mga puno ng prutas sa atin ah! "Nakatulis ang ngusong protesta nya rito.
"At natural bang umakyat ang buntis sa puno? "Sarcastic nitong tanong na pinandilatan sya ng malaki nitong mata.
   "Hehe, oo nga pala noh? Nawaglit kasi sa mind ko that am preggy babe.. "Pang-iinis nya nya kaibigan sabay lapit rito at hinaplos ang braso ng lalaki na ikinaigtad nito.
   "Ewww Beeya! Maghunus-dili ka nga! Pinanindigan ako ng balahibo sa ginawa mo! Ewww! Namamanyak ka na ba dyan huh?! "Hysterical nitong wika at diring-diring lumayo sa kanya na ikinatawa nya ng malakas.   
   "Babe nman, you  hurt my feelings! I'm just trying to be sweet to you. "Pagdadrama nya rito sabay pungay ng mga mata sa kaibigan na lalong ikinalaki ng Mata at ikinaawang ng labi nito sa pandidiri sa kanya. Na ikinatawa nya ng malakas.
     "Sweet my butt! Ang yucky mo talaga Beeya ! We're both girl. Di tayo talo anuh?! "Exaggerated nitong sabi.
"Ito nman di na mabiro. "Nakatawa pa ring wika nya rito. Gandang-ganda talaga syang inisin ito kahit kaylan. Priceless kasi ang reaksyon nito.
"Eh kung sabunutan kaya kita dyan ,huh? "Nanlalaking matang sabi nito uli sa kanya.
"Oh sya hinto na natin to babe. "Nakangisi nyang sabi sabay peace sign sa baklitang kaibigan.
"Alis na tayo baka maiwanan tayo sa biyahe natin. "Sabi nya uli bago pa makareact ang kaibigan sa unang sinabi.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt