Bigla akong nakaramdam ng galit-selos?-kay Migs. Pinag-aral siya ni Lolo samantalang ako, kinailangan ko pang kumuha ng financial aid para makapag-kolehiyo. Ibibigay niya rin ang Rancho Villaroman kay Migs. Pagkatapos niyang ipamukha na blood is thicker than water, ito ang isasampal niya sa Mama ko. Ipokrito siya.

Hindi aware si Migs sa internal struggle ko. Ipinagpatuloy niya ang eksplanasyon niya. "Pero ang totoong dahilan? May isang pangyayari noong bata pa ako. May nakita akong kalapati sa may alulod ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit halos lahat ng kasama niya nagsisiliparan samantalang siya nakatingin lang sa langit. Ewan ko ba. Kumuha ako ng hagdan at kinuha ang ibon na 'yon. Doon ko nalaman na may bali siya sa pakpak niya. Hindi ko alam kung paano ko siya pagagalingin hanggang sa sinuggest ni Kiel na dalhin namin siya kay Doc Revilla. Inayos niya yung pakpak ng ibon at tinuruan ako kung paano ko ito aalagaan."

Mabigat ang titig ni Migs sa akin habang nagkukwento. Hindi ko rin mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Ito kasi ang unang beses na nakita ko siyang sobrang seryoso.

"Alam mo ba, kapag nag-alok ka ng pagkain sa ibon, hindi mo siya pwedeng pwersahin na kumain. Kailangan hayaan mo silang pagkatiwalaan ka. Madalas ilalahad mo lang ang palad mo," inilahad niya ang kamay niya malapit sa mukha ko, "at hihintayin mo siyang ma-realize na hindi mo siya sasaktan, bagkus ay handa kang tumulong sa kanya." Inabot ni Migs ang ilang strands ng buhok ko at sinuyod ang kamay niya mula sa anit hanggang sa kulay brown na dulo nito. Sa bigat ng conversation napagtanto kong hindi na ibon ang pinag-uusapan namin.

Tumingin ako sa kaliwa para malayo ang mukha ko sa kamay niya at kinuha yung baso ng tubig niya saka ko tinungga iyon. For a moment there, iba ang vibes na pinapakawalan ni Migs at nagulantang ako. Ayos lang kung lahat pabiro at asaran. I can take that side of him. Pero ito? I can't.

Tumayo ako para bumalik sa kwarto ko. I've had enough of Migs for the day.

"Doc!" Pareho kaming napalingon sa pintuan ng kusina kung saan nakatayo si Danny, hapong hapo mula sa pagtakbo. "Si... Coco..."

Agad na tumayo si Migs at naghugas ng kamay saka sumunod kay Danny na mabilis na naglalakad patungo sa direksyon ng kamalig. Nang dumaan siya sa harap ko ay hinawakan ko ang bisig niya. "Ano'ng nangyayari?"

"Mukhang manganganak na si Coco. Kailangan na ako do'n."

Tumango ako at hinayaan siyang tumakbo kasunod ni Danny. Naiwan din ako doon para pagsisihan lahat ng sinabi ko kay Migs. Ang tanga-tanga ko talaga. Epekto na 'to sa akin ng hangin dito. May witchcraft ata, may spell. Sa isang normal na araw, hindi ko kakausapin ng ganito si Migs. Masyado ata akong matagal na nakakulong sa kwarto ko kanina. 'Di sanay ang katawan ko na walang ginagawa kaya habang ang katawan ko ang nagpapahinga, isip ko ang gumana. At itong palpak kong puso, umekstra pa.

Mentally, inuumpog ko ang ulo ko sa pader. Ang tanga-tanga ko talaga, ang naging mantra ko. Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang nililigpit ang pinagkainan ng loko. At tamo 'to! Bakit ba ako ang naghuhugas ng pinggan samantalang hindi naman ako ang kumain nito?

Nang matapos ko ang pagpupunas sa lamesa saka ko lang naalala ang drawing ko. Kinapa ko ang bulsa ng shorts ko pero wala doon ang papel.

Ang bilis ng kamay ni Migs. Sana sumama na lang siya sa salisi gang kesa nag-beterinaryo.

Dali-dali akong lumabas kung saan pumunta sina Danny at Migs. Mayroon kasing isang malaking horse pen sa likod ng barn at nakasindi ang ilaw roon. Sa dilim ng paligid, it wouldn't take a genius to figure out na doon sila pumunta.

Pagdating ko doon, nakita ko si Barney, at dalawa pa sa mga trabahador ni Lolo na nakatingin sa loob ng pen. Sa kalayuan, naririnig ko ang mahinang paghalinghing ng kabayo. Kaso ang weird lang kasi hindi iyon ang normal na whine ng kabayo. Mas mahaba ito at tila sobrang laki ng effort para lang huminga. Nang makalapit ako sa tabi ni Barney, nakita ko kung bakit.

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now