At least he's happy.

Iyon naman talaga ang hangad ko, I want him to be happy. Just happiness for him, unang kita ko palang sa kanya ay sinabi ko na sa sarili ko na balang araw ay makikitaan ko rin ng saya ang mga mata niya.

And I tried to make him happy, but I failed. Pero ang mga taong iyon ay hindi ko maikakaila na nakita ko siyang masaya, kaya kuntento ako sa lahat kahit pa hindi niya ako binigyan ng assurance.

He never gave me a chance to prove myself as a girlfriend but I was happy to be with him, he made me happy for years I've been with him.

Pagod ako sa araw na iyon nang makauwi kaya maghapon akong nakatulog at gumising lang ng gabi para kumain, I spent my whole night doing the plan.

Hangga't maaari ay gusto ko ng malayo dito, I'm scared... I'm scared to be with him again, I'm scared I might be stupid again, I'm scared to see him with someone else he's happy with...

Sa tatlong taong iginugol ko sa pag-aaral ko wala akong ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mabuti upang may marating. Sa isang taon ay sinubukan kong kalimutan siya.

I've been courted by so many boys my age, I entertained them. Kapag may nagyaya magdate ay sumasama ako para magtry... magtry na alisin si Spiral sa sistema ko.

Baka sakaling may patunguhan ako, patunguhan na hindi siya ang huling iniisip at maiisip. Doon ako nag focus sa ilang taong iyon, ang mag-aral at kalimutan siya.

Liberated ang mga nanliligaw sa akin, ganoon naman talaga pag sa ibang bansa. Kadalasan ay may makamundong kagustuhan lang... iyon lang ang habol. I've never been kissed by anyone even though they're trying to.

Kung ganoon ang habol ay hindi ko na kinikitang muli. Ayaw ko ng ganoon, hangga't maari ay ayaw kong mahalikan ng iba kung hindi naman ako sigurado sa taong iyon.

Hindi ko itatanggi na si Spiral pa rin ang hinahanap ko sa bawat lalaking hinayaan kong manligaw at nakadate. Wala, e. I'm stupid.

Napakatanga ko nga siguro kung siya pa rin ang hinahapan despite of all the pain I've had from him. He's my very first love, ngayon naniniwala ako na first love never dies.

Makakalimutan mo lang siya sa sandaling panahon pero babalik at babalik pa rin. And now I did not expect everything like this. Na makakasama ko siya sa ganitong paraan.

I thought we will never crossed paths again, malaki ang Maynila at talagang wala akong balak makita siya. Pero may binalak na naman ang tadhana na saktan ako kaya ganiton ang ending.

Sana lang... sana lang hindi ako magkasala sa ganitong nararamdaman ko sa isang taong pamilyado na. I realized that no matter how hard I try to forget him, the more I think about him.

Kung sana'y madali lang... hindi na dapat ako nagmumukmok sa isang lugar dahil sa sakit ng nakaraan namin.

Did he even like me? Kahit hindi na love, pero nagustuhan niya ba ako kahit minsan? Napasaya ko ba siya kahit minsan? Nagawa ko bang mapangiti siya kahit tago?

"Hindi pa naman pinapaumpisahan ito, Architect, 'di ba? Pero nililinis na namin ang buong lote para maihanda ng maaga."

Ngumuso ako at marahang tumango sa foreman habang nakatingin ako sa lote. Mukhang maganda kung sa gilid na lang ang poolside na may bridge patungong mansyon.

"Hindi pa naman..."

"Mabuti iyon, Architect. Eto ba ang unang proyekto mo?" he asked.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon