Rinig na rinig sa linya ang muling pag-ungol ni Savi. "Oh yes! Hmm.."

Natutop ko ang bibig ko. "Savi!" Hindi napigilang maibulalas. "I'll get back to you later, Zarena" Sagot niya sa alertong boses bago ako pinatayan ng tawag.

Itinuon ko ang atensyon ko sa screen ng phone ko. "That girl" 'Di makapaniwalang bulong ko at nailing. Hindi ako bobo para magmaang-maangan pa. Naka-ilang ungol na siya e. Yung kaibigan kong 'yon! Gumagawa na nga ng milagro, may gana pang sagutin ang tawag ko. Malilintikan talaga ang babaeng 'yon sa akin, mamaya. Kung nakikipagharutan siya, edi mas minabuti na lang sana niyang patayin ang telepono niya kesa ang sagutin ang tawag ko habang ginagawa nila ang nasty!

Letse! Pakiramdam ko, na de-virginize ang tenga ko! Nanindig na rin mga balahibo ko.

Dinampot ko ang twalya tsaka kumuha na rin ako ng mga damit pampalit ko bago ako pumasok sa banyo. Naligo ako at nag-ayos para mamaya sana, kapag tumila na ang ulan, diretso na ako sa office ni Sir Rey. Ngayon ang deadline ng proyektong bigay ni Sir kasi bukas, ibang activity naman ang ibibigay niya.

Mga ilang oras pa ang hinintay ko tsaka tumigil sa pag-iyak ang mga ulap. Laking pasasalamat ko naman dito. Ni hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis isinuot ang bag ko. Nag-tricy ako. Sadyang pinatigil ko pa ang tricy sa karindirya ni Mama.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad si Mama na inaasikaso ang paghahanda ng mga pagkain. Gustuhin ko mang samahan siya sa pagluluto, hindi maaari kasi kinailangan ko pang tapusin yung project ko. Babawi ako sa kanya bukas.

"Ma! Male-late ako ng uwi mamaya. Baka gagabihin ako kasi kailangan ko pang kausapin sina Savi. Sabihin mo kay Daddy na huwag ulit siyang magbababad sa trabaho dahil makakasama sa kalusugan niya iyon" Paalala ko kay Mama habang kinukuha mula sa bag ko ang gamot niya.

"Basta huwag kang masyadong magpagabi, 'nak. Tumawag ka kung uuwi ka na para hintayin ka namin ni Dad mo sa labas ng bahay"

Napangiti ako sa bilin niya. Mabilis ko siyang hinalikan at nagpaalam na saka muling sumakay sa tricy na pinaghintay ko. "Manong, sa St. Thomas po tayo"

Inilabas ko na ang mga barya baryang meron ako para may pamayad. Ang maganda dito sa lugar na kinagisnan ko ay walang masyadong usok gaya ng probinsya. Hindi rin masyadong maingay. Masaya lang, ganon. Hindi gaanong kumplikado ang pamumuhay dito.

Binaba mismo ako ng pinagsakayan ko doon sa harapan ng gate ng Unibersidad. "Salamat ho, Manong" Atat kong inabot sa kanya ang bayad tsaka tumakbo papasok sa loob ng school. Mabilis kong tinungo ang kung nasaan ang office ni Sir Rey. Malapit na sana ako sa pintuan kaso natigilan ako nang mapatid ako. Napadaing ako buhat ng sakit ng pagkakadapa ko. Bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig.

Nakangiwi kong pinaupo ang sarili ko. I massaged my elbows. Kagat labing inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nag-alay ng munting pasasalamat nang makitang walang gaanong tao. May ilang dumadaan sa may kalayuan pero sa iba sila nakatingin. Napabuga ako ng marahas na hangin saka tumayo. Ano ba namang paa 'to!

Pinagpagan ko ang suot kong pantalon tsaka bumalik sa paglalakad. Makaka-ilang hakbang na lang sana ako, mararating ko ang opisina ni Sir Rey subalit natigilan ulit ako nang bumukas ito at iniluwa ang isang pigura na nakatalikod sa akin. Sinundan ito ng isa pang lalaki na mukhang kasama niya.

Napatitig ako sa likod ng naunang lalaki. My forehead creased. Naglalakad na sila palayo. Nakatalikod nga pero parang ang lakas ng karisma niya.

Hays! Ano ba naman 'tong pumasok sa kokote ko? "You're not seriously thinking about any man, Za!" Pabulong kong sita sa sarili ko tsaka na nagsimulang maglakad muli. Napangiwi ako nang makarinig ng ilang tili sa may liko ng corridor bago ako tuluyang nakapasok sa opisina ni Sir.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now