Confession 53: Think What To Think! (Feel It In Your Heart)

ابدأ من البداية
                                    

“Isuot mo para hindi ka lamigin.” Kinuha ko naman ang panibagong set ng damit. Tumalikod naman siya at agad na akong nagpalit ng damit. “Tara na?” Tumango lang ako sa kanya. Sumakay na kami sa motorcycle na nasa harapan namin. A black big bike.

“Anong model to?” Tanong ko sa kanya at binigay sa akin ang isang helmet.

Kumunot naman ang noo nito at nagkibit balikat lang ako. Naghanap talaga siya ah! Umikot siya sa motorsiklo niya at may hinahap talaga. “Hmm! Hindi ako sure pero I think, it’s a Kawasaki ZZR1400. 2011 model. ‘yan ang nakalagay dito eh!”

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. “Impressive. Ikaw na mayaman.”

Kinuha naman niya ang helmet sa kamay ko at isinuot sa akin. “Tara na. Hindi pa tayo kumakain ng tanghalian.” Pinalo niya ng mahina ang helmet. Hahaha! Hindi pa pala kami nagtatanghalian. Nakakabusog na kasi siya eh. Sumakay na ako sa likuran at hinawakan lang ang shirt niya. “Ganito kasi. Baka malaglag ka.” Pinayakap na niya ako sa kanya.

“Sorry naman. Ngayon lang ako nakasakay nito.” Humiga na lang ako sa lakuran niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

“Good to know. Kapit ha?” Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kanya.

Tumatakbo na ang motorsiklo. Ramdam ko ang hangin sa mukha ko. Ang ganda ng paligid. Ang ganda ng bundok na dinaanan naming ngayon. Kahit na nakakatakot kasi nasa cliff kami, ang ganda parin ng lugar. Napatingin ako sa ibaba ay may parang town nga dito.

“Pwede mo bang bilisan? Gutom na ako eh!” Pasigaw kong tanong sa kanya. Ang ingay kasi ng mga sasakyan dito.

“Okay, Ma’am.”

Mas bumibilis na ang takbo namin ngayon. Napapakapit ako ng mahigpit sa kanya baka kasi kung malaglag pa ako. Palapit na palapit na kami sa town ngayon. Nakikita ko na ang mga tao. Hindi sila naka normal gateawat pero naka-bench attire ito. Luckily, we are. Bumaba na kami sa motorsiklo at hinubad ko na rin ang helmet ko.

“Tara na. Nagugutom ka na di ba?” Tumango lang ako kay Mika. Kinuha naman niya ang helmet ko at tinabi sa lalagyan ng helmet niya. Binuksan niya ang parang trunk ba ata ‘to at may kinuha dito. “Kain na tayo.” Inilagay niya sa bulsa niya.

Nagsimula kaming maglakad ni Mika habang nakahawak lang siya sa kamay ko. Nararamdaman kong napapatingin ang lahat ng tao pagnakikita nila kami. Ganito na ba kami ka-charismatic? Hihihi! Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang nakaabot kami sa isang fast food.

Agad kaming umupo sa isang table. Napalinga na naman ako at muling na mangha sa lugar. Ang ganda ng lugar. Para kayang nasa Hawaii. Sandali! Nasaan pala kami?

“Miks. Matanong lang ha? Nasaan tayo?” Tanong ko sa kanya kaya na patingin siya sa akin at binaba ang celphone niya.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن