Chapter 10: He Talk To Stranger

Start from the beginning
                                    

"Tsaka pake mo?" dugtong ko at tinaasan ko sya ng kilay. 

"Ok!" sagot nya at tumalikod na kaya hindi ko na din sya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad ng bigla nalang akong napa aray ng may matulis na bagay akong naapakan. Kaya napaupo ako sa tabi at nakita ko na dumudugo yung paa ko at may basag na bote ung nakatusok dito. 

"hey, what happen?" pagkaangat ko ng ulo ko nakita ko si Levi na nagtataka.

Eh shunga ba tong lalaking to? Nakita na nyang dumudugo, what happen parin. Tsk! Akala ko ba umalis na to? Bakit andito to? Sinusundan ba nya ako? Ini-stalk ba nya ako? Ganda ko naman! *pretty eyes*

"may tagos yung paa ko. May dala ka dyan? Meron kasi sya ngayon. HuWhy?" biro ko na pinipigilan yung tawa ko.

"Ikaw na nga may sugat, may gana ka pang magbiro." naiinis na sagot nya. 

Teka nga, bakit parang affected sya? Pake ba nya kung may regla ang paa ko? Tsk! Pero ang sakit na talaga. Huhuhu!

"Eh alam mo naman pala eh. Nagtatanong ka pa." ang sabi ko na naiinis na. Pakealamero kasi tong taong to.

"akala ko ba masayang nakapaa?" tanong nya nagsalubong yung dalawang kilay.

"eh-e ka. . .si . . ."

sasagot pa sana ako ng bigla nalang ako nagulat sa ginawa nya. Binuhat nya ako at ngayon karga karga na nya ako.

"Oy, ibaba mo nga ako. San mo ba ako dadalhin?" ang sigaw ko sa kanya.

"Huwag ka ngang malikot, kung ayaw mong bitawan kita." seryosong sabi nya na wala man lang emosyon. Kaya bigla nalang akong natahimik. Pero infairness may muscle yung katawan nya. Hehe! Ikaw ba naman kargahin ng ganito ng isang sikat sa school nyo. Kiligmats! Tsk! Landiii! Pero FYI. Hindi ko sya crush noh. Tsaka ang sungit kaya nito. Ewan lang kung bakit biglang bumait to. 

Napansin ko nalang na papasok na kami sa clinic. At ng makapasok kami ay ibinaba nya ako at pinaupo sa may couch ng clinic at ng maibaba ako ay lumapit sya sa nurse.

"nurse, kayo na bahala sa kanya." narinig kung sabi nya sa nurse .

"hoy, ito tsinelas." ang sabi nya at hinubad yung malaking tsinelas nya na suot nya at iniwan sa sahig.

"thank . . ." magpapasalamat pa sana ako kaso bigla nalang sya umalis na nakapaa.

Mabait naman pala talaga sya. Hindi naman pala sya kasing sama tulad ng iniisip ko. Para syang si bestfriend. Oh nga pala, nasan na kaya yung mokong na yun? Eh, hindi ko na nakikita. Pero mabuti narin yun kesa naman, magkita kami. Patay pa ako sa S6 girls.

Pagkalapit ng nurse sa akin ay may dala na itong gamit, hinugasan nya yung paa ko sa parteng may sugat. Kinuha yung tumusok dito tsaka nilagyan ng gamot at bandage.

"miss, may kasama ka ba pauwi? O contact ng parents mo para mapuntahan ka nila dito. Kasi mahihirapan ka sa paglalakad nito." ang sabi ng nurse ng matapos nyang lagyan ng bandage ang paa ko. Pero ayoko distorbohin ngayon sila mama at papa. Tsaka sugat lang to noh. Hindi ko naman ikamamatay to.

"ahnm. . . ok na po ako nurse. Kaya ko naman po." ang sagot ko at nginitian ko sya para talaga magmukha akong okey.

"Talaga? Pwedi ko tawagan parents mo. Tsaka gabi narin." ang sabi ng nurse.

"wagna po! Kerry ko na po talaga ito. Hindi pa naman ako mamatay nito." ang biro ko. Kaya napangiti sya.

"basta sabi mo yan." ang sabi nya. Kaso pagkatayo ko para isuot yung tsinelas na iniwan ni Levi sa akin ay  napa aray ako. Ang sakit nga. Hapdiii! Bwesit pa tong tsinelas na ito. ang laki laki, kapre ata sumusuot nito.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now