Chapter 17

479 11 0
                                    

Mirylle's POV

Pabalik na kami ni Rhodney sa room.

Sinamahan niya muna ako dahil wala akong kasama.

"So.. kamusta ka na Mirylle?" tanong niya. Dahil mabait ako. (DAW.) Sasagutin ko yung tanong niya.

"Buhay parin. Ikaw?" sagot ko. Totoo naman. Buhay naman ako ah. (-.-) Ano sa tingin niyo?

"Haha! Ayus lang. Uhh... Mirylle... kung may manliligaw sayo, bibigyan mo ng chance?" sabi niya

.

"Mabuhay? Oo naman. Mabait pa naman ako." sabi ko.

"Hindi! Makaligaw sayo." sabi niya. Eh? Ligaw?

"Don't know. Di ko alam. And.. ayoko muna pag-usapan yung mga ganyan." sabi ko. Ayoko talaga.

"Ahh.. sorry. By the way, magkakaroon yata tayo ng fest. Sport fest to be exact. Sasali ka?" tanong niya.

Sport fest? Wow. Bihira yun ah.

"Siguro. Kung sasali man ako, badminton ang sasalihan ko. Mahilig kasi ako magbadminton. *pause for a while* Mamatay na nagtanong." sabi ko. Baliw ko lang. Wala naman nagtatanong sumagot ako ng ganun.

"Ahaha! Ayos lang. Geh. Dito na room mo. Punta na din ako sa room ko. Geh bye!" sabi niya.

"Geh!" sabi ko then pumasok na sa loob. Bago pa man ako makapasok ng tuluyan, may asungot na humarang sa akin.

"Sa'n ka galing?" tanong ni asungot.

"Paki mo ba? Ano ba kita?" sabi ko.

"Bakit kasama mo si Rhodney?" tanong niya.

"Kasi kasama ko siya. Ano bang problema mong unggoy na asungot ka!" sigaw ko sa kaniya.

Yeah. Si Klyder tuh.

"Fiancè mo ako. Excuse me." sabi niya.

Gumilid ako ng kaunti. "Oh daan! Wag ka na magpakita pa!" sigaw ko.

"Tss. Bakit ba ang highblood mo ngayon?" inis na sabi niya.

"Nakita ko kasi ang unggoy na asungot na sinapo na yata lahat ng kapangitan sa mundo!" sigaw ko. Naiinis din ako eh. Galing galing mangharang.

"Tss. Eh kung lahat ba't mayroon pa si Rhodney?" sabi niya. Aba! Talagang dinamay pa yung tao!

"Juthko Klyder!! Pati ba naman tao dinamay mo pa! Pwede ba! Away nating dalawa tuh!!" frustrated na sabi ko. Kakainis lang. Pati yung tao na wala namang kinalaman, nadamay pa.

"Tss. Ewan ko sayo." sabi niya sabay alis at punta sa upuan niya sabay ub ub ng ulo niya sa upuan at dumikit na yung mukha niya sa lamesa at ayaw na matanggal at wala na siyang mukha.

Yeah. Parteh parteh na.

Syempre.. joke lang.

Nangangarap palang ako.

Pumunta na din ako sa upuan ko. Alangan namang nakatayo lang ako dun. Mamaya, mapagkamalan akong poste dun sa lakas ko. (Paano naman nila malalaman na malakas ka?) Syempre.. itatanong nila. Alangan namang maging mala-Madam Auring sila dun.

Ang tagal ng prof ah. Pag ako na-bored... nako! Mabobored ako. -.-

"Good morning class." bati nung prof. Bumati din kami. May respeto parin kami kahit kaunti.

The Tomboy Love Story (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz