Chapter 34

326 6 0
                                    

Chapter 34

Mirylle's POV

"Saan ba tayo pupunta Kyle?" Tanong ko sa kaniya. "Tsaka, bakit pinag-dress mo pa ako? Alam mo namang di na ako sanay na naka-dress eh."

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papunta sa di ko alam. Basta sabi niya, magdress daw ako.

"Mirylle," sabi niya tsaka humarap saakin. Tumigil na din siya kakalakad. Bale, nasa isang park kami. "You have an amnesia pero pili lang ang nakalimutan mo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ha? Mayroon akong amnesia? "Yun ba yung..."

"Oo." Sabi niya. "Dahil yun sa pagkaka-aksidente mo."

Naoatango ako. So.. Ano yung nakalimutan ko? "Teka pala, bakit mo saakin sinasabi ngayon yan?"

"Kasi it's been months since your accident kaya okay na yung brain mo para i-absorb yung mga sasabihin ko." Sabi niya. Tumango nalang ako. "You and I already broke up. Matagal na. Iniwan kita. Oo, ako yung unang nang-iwan. Pero may pumalit agad sa pwesto ko, siya si Klyder. Yung bumisita sa room mo."

B-break na kami? "Eh break na pala tayo pero bakit-- Ahhh!!"

Kyle's POV

Agad ko'ng sinapo si Mirylle nung nahimatay siya. Alam ko'ng mangyayari to. Ganito ang nangyayari pag nap-pressure ang utak.

Binuhat ko nalang siya ng bridal style tsaka pumara ng taxi para dalin siya sa hospital. Pagkalipas lang ng ilang sandali, bumaba na kami. Dinala ko agad siya sa doctor niya.

Sabi ng doctor niya, okay lang daw siya. Magsisimula na daw niyang maalala yung ibang pangyayari sa buhay niya na naging dahilan ng pagkasaya niya o sobrang pagkalungkot niya. Mga ilang minuto lang siguro, magigising na siya.

PAGKARAAN ng ilang minuto, gumising na si Mirylle. Tinawag ko na din sila tita Luisa. Pero sabi nila, ako na daw muna ang bahala.

"Kyle," Napatingin ako kay Mirylle nang bigla siyang nagsalita. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Kamusta ka?" Tanong ko. Inikot niya ang tingin niya sa buong kwarto. Hinayaan ko lang siya. At alam ko ng nakakaalala na siya.

"We broke up.. Matagal na pala.." Sabi niya.

Mirylle's POV

May mga naalala na ako. Sa mga buwan na pagkuha ko ng gamot, ng mga treatment na ginagawa saakin, may naalala na ako... At lahat na yun.

"May natatandaan ka na?" Tanong niya. Naglakad siya papalapit saakin.

Tumango ako. Di ako makatingin sa kaniya. Ewan ko kung bakit. Bumuntong hininga siya. "Me and Roxanne are together. Matagal na din."

"Di ko lang malaman kung bakit kailangan niyo akong lokohin." Pagkasabi ko ng mga katagang yan, biglang bumukas ang pinto.

"Mirylle." Sila mama. Lumapit siya saakin at niyakap niya ako. "Mabuti naman at ayos ka na anak. Natatandaan mo na ba ang lahat anak?"

Tumango lang ako. Bakit ba kailangan nilang sabihin na kami ni Kyle? Sila pala ni Roxanne eh. Parang niloloko lang ako eh.

"Bakit anak? Mukhang may iniisip ka'ng malalim? You can share it with us." Sabi ni mama. Napansin niya siguro ang pagiging uneasy ko.

"Kasi Mirylle, utos ng doktor. Wag muna ipressure ang utak mo. Kaya ganun." Biglang sabi ni Kyle. Napatingin naman sila mama sakaniya.

"Tama, anak." Sabi naman ni Mama. Mukhang gets ni mama yun. Sa kwarto na 'to, ako lang walang alam.

Pero, okay, reason is valid! Kakausapin ko na din si Klyder mamaya. Nang magkausap na kami. Pero.. Asan kaya siya?

-

"Saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong ni Trilliane saakin. Siya na ang kasama ko dito sa kotse. Pinagd-drive niya ako papunta sa restaurant.

"Uhh.. Ewan ko?" Sabi ko nalang. Di ko talaga alam. Yung company ko, si Issa na muna ang namamahala. Nakakagulat nga eh, na kaya na pala niya.

It's been years. May asawa na si Trilliane. May anak na din siya. At yes, si Oliver ang asawa ni Trilliane. She fought for her love. Pinaglaban nila ang isa't isa. Close na din ang mommy ni Trilliane at siya. Unlike dati. Matured na si Trilliane, sobra.

Di ko na din nakikita si Klyder, nawalan siya ng koneksyon. Ewan ko kung bakit. Nakaka-inis siya. Sobra. Wag na wag siyang magpapakita saakin dahil baka masapak ko siya.

Tumigil kami sa isang restaurant. Bumaba kami. Gusto daw niya akong makasama kumain naman. Medyo busy na siya eh.

Pumasok kami sa loob. Habang kinakausap ni Trilliane ang babae na maga-assist saamin, inikot ko ang tingin ko sa buong restaurant. Malaki. Maganda ang design.

"Okay na daw bes." Sabi ni Trilliane. Pumasok kami tsaka pumunta sa upuang para saamin talaga. Nanatili kaming nakaupo. Si Trilliane na din um-order kasi daw wala akong kwenta kung um-order. Bwiset to.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko sa kaniya. Para naman di boring noh.

"Ayos naman. Hirap buhay nanay. Hahaha. 1 yr old palang naman si Peter kaya medyo okay pa. Pero, naku! Kailangan pag tulog, tulog lang! Wag mo'ng gigisingin!" Sabi niya.

"Hahaha. Yan kasi." Sabi ko habang pailing-iling.

"Eh ikaw ba? Kailan ba? Asan na ba yang Klyder mo?" Tanong niya habang nakangisi. Bwiset to. Tignan mo nga oh. Lakas mang-asar.

"Aba'y ewan ko sak---" speaking of the devil.. Nakikita ko si Klyder ngayon na papasok sa restaurant, may kasamang babae.

May kasamang babae. Nakangiti si Klyder at tsaka yung babae, mukha silang masaya. "Oy." Tawag ni Trilliane saakin.

"Ha? Ah. Wala." Sabi ko tsaka yumuko nalang. Pero nakita ko na nilingon niya yung likod niya. Nakatalikod kasi siya sa entrance.

"Gusto mo umalis nalang tayo dito bessy?" Tanong niya. Umiling ako tsaka nginitian siya. Pinahid ko ang luha na namumuo sa mata ko.

"Ano ka ba! Friends date natin to kaya ano ba! Ayos lang!" Sabi ko kahit medyo garalgal na boses ko.

Di yata kami napansin ni Klyder kasi nilagpasan lang kami tsaka sila umupo. Bale, di ko sila makita gaano kasi nasa likuran ko sila.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Trilliane. Tumango lang ako. Dumating na din ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.

Di ako makakakain. Parang nawalan ako ng gana. Nakakainis! Sobra! Sobra! Sobra!!

Magpakita siya saakin ng mag-isa siya! Hindi may kasama siya! Nakakainis!

Pinilit ko nalang na kumain. Minsan ko na nga lang makakasama kumain si Trilliane, sisirain ko pa yung moment?

The Tomboy Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now