Chapter 35

422 10 2
                                    

Chapter 35


Mirylle's POV


"Okay na po ma'am lahat. Naka-arrange na din po." Sabi ng secretary ko sabay abot ng mga papel saakin. Tumango ako tsaka lumabas na siya.


Finocus ko ang sarili ko sa company namin. After nung nakita ko sa restaurant na yun. Ayoko na. Masakit.


May biglang kumatok sa opisina ko, inutusan ko siyang pumasok. "Ma'am, mamayang 10:00AM po, may appointment po kayo sa Indigo Restaurant." Sabi niya. Nginitian ko siya tsaka tumango.


Tumingin ako sa Cellphone ko para makita kung anong oras na. 9:30AM. Tumayo na ako tsaka kinuha ang susi ng kotse ko.


Pagkarating ko sa parking lot, sumakay na ako agad at nagtungo sa Indigo Restaurant. Nakalimutan ko'ng itanong sa secretary ko kung ano pinunta ko dito! Ang hirap naman pag lutang ka na. Aish.


Bumaba na ako tsaka pumasok sa loob ng Restaurant. Pagpasok ko, inikot ko ang tingin ko baka sakaling may naka-business attire din. Tinanong ko din sa babae kung may naghahanap saakin. Wala. Yan lang masasabi ko.


"Hi." Napalingon agad ako nung may bumulong mula sa likuran ko. Nakita ko si Klyder na nakangiti ng malaki saakin. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. "Tara?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Anong tara?


Hinila niya ako bigla at pumasok sa kotse niya. Teka. Diba galit ako sa kaniya? Eh ba't di ko masabi na ayaw ko?


Pinaandar niya yung kotse niya. Mamaya ko nalang siguro ipapakuha yung kotse ko. Teka, may appointment ako dito.


"May appointment ako---"


"Seriously? Di mo talaga ugaling itanong sa secretary mo kung sino kausap mo ano?" Sabi niya habang nakatingin saakin. "Ako yun."


Ah. Okay.


Sinimulan na niyang magdrive. "Saan tayo papunta?" Tanong ko. Meyo awkward kasi eh.


"Somewhere down the road? Hahaha. Ewan ko." Sabi lang niya. Bakit ganun? Diba may kasama siyang babae. Masaya pa nga sila eh. Nakangiti pa siya nun. Halata ko'ng masaya siya. Sa mata niya, sa ngiti niya.


Wag mo sabihing break na sila kaya ako ang pinaglalaruan niya. Wag siyang ganun at baka di ko mapigilan sarili ko mapatay ko siya.


Pero nagtataka ako, alam niyang may amnesia ako. Pero bakit.. bakit siya umaakto na parang hindi ako nagka-amnesia or hindi ako nagkasakit?


Pagkaraan ng ilang sandali, tumigil ang kotse sa isang parke. Malayo sa syudad. Tahimik dito. Maganda. Maaliwalas.


Bumaba siya tsaka bumaba na din ako. Inikot ko ang tingin ko sa buong lugar. Ang ganda. Tahimik pa. Napansin ko ding walang tao dito.

The Tomboy Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now