Chapter 31

375 6 1
                                    

Chapter 31

Mirylle's POV

"Tara!! Jet-ski tayo!!" Sigaw ni Kyle.

Nandito kami sa Kubo.

"Sige ba!!" Sabi naman ni Kuya Neil. Biglang kumislap ang mga mata ah? Hahaha.

Nagtayuan na kami. Si Kuya, mag-isa niya sa Jet-Ski. Si Kyle naman, solo din niya. Tas kami naman ni Issa ang magkasama sa isang Jet-ski.

"Ateee! Ayokong mamatay ah?"

"Adik. Ako din naman no!"

Nakasakay na kami sa mga Jet-Ski namin. Pinaandar naman namin ito.

"Waaaa!! Ang bilis!!!!" Sigaw ni Issa.

Hahahaha! Sinusundan namin si Kyle. Paikot-ikot kami. May pupuntahan ata kaming isla? Ewan. Hahahaha. Basta masaya!

*Luisa's POV (Motherlalu ni Mirylle-lalu!)

Nakikita ko'ng masaya ang mga anak ko. Pati na din si Kyle. Nakakatuwa lang. Para silang mga bata.

Naku. Miguel. Kung nandito ka lang.

Naramdaman ko'ng may tubig na tumutulo mula sa mata ko. Agad ko naman pinunasan yun.

Natawa nalang ako dahil ang drama ko. Hahaha.

Inayos ko nalang yung mga pagkain namin ng may biglang tumawag.

"Tita."

Mirylle's POV

"Anong lugar to?" Sabi ko pagbaba namin mula sa Jet-ski.

Nasa isang isla nanaman kami. Pero maliit ito at mabato. Ang ganda.

"Hahaha! Kyle islaaaaand!!" Sabi ni Kyle.

"LOL. Hahahaha. Adik." Sabi ko.

"Joke, ahm, ewan ko ba kung ano itatawag ko dito. Hahaha. Jet-ski stop? Lol." Sabi niya.

"Baliw. Dito ba yung punta natin?"

"No. Dun dun dun pa!" Sabi niya. "Buti nalang at full-tank yang mga yan. Medyo malayo eh."

"Hala naman!! Waaa!! Kuya sayo nalang ako sasakay! Huhu-- ay. No. -_-" sabi ni issa at biglang napa-poker face.

Kay Kuya siya sasakay eh mas mabilis magpatakbo yun. HAHAHAHA.

"Saakin nalang Issa." Sabi ni Kyle.

"Ayy! Good idea!!" Sabi ni Issa.

Pagkatapos ng 30 minutes, sumakay na ulit kami sa jet-ski namin.

Ang lalakas ng mga alon. Hahahaha. Kasaya pa!!

Para lang kaming nakasakay ng motor pero nasa tubig. Hahaha.

Biglang tumigil si kuya.

Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa ng Jet-ski. Water proof ang cellphone ni Kuya eh.

"Hello? Ha?! S-sige.. Sandali. Babalik ako." Tinago na ulit niya ang cellphone niya tsaka humarap saamin. "Babalik muna ako neh? Andun si Mika eh."

"Yieee!! OMFG!" Sabi ni Issa.

"Tss. Ge. Susunod ulit ako." Sabi ni Kuya tsaka bumalik na.

"Tara na ulit! Maganda dun sa lugar na yun, promise!" Sabi ni Kyle habang nakangiti kaya pinaandar na ulit namin yung Jet-Ski.

--

"Wooooow!!" Sabi ni Issa.

At kung OA ako, baka yan na din sinabi ko.

The Tomboy Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now