Confession 52: C-R-U-S-H

5.2K 73 18
                                    

Pariho lang naman kami ng outfit ni Mika. Naka-board shorts lang din ako pero naka-bikini bra. Eh!! Nakakasuka tignan. Lumapit na ako kay Mika na nakasandal lang sa may counter ng mga drinks habang may kausap.

“Hot!” Biglang sabi ng lalaki habang nakatingin sa akin. Ako ba?

Naradaman ko na lang na namula ang pisngi ko. Bilang humarap si Mika sa akin at halata na nagulat siya sa nadatnan niya. Napalingon din ang dumadaan sa amin. Such a head turner. Hahaha!

“Ahh! Sana pala hindi na ‘yan ang pinasuot ko sayo para makapagpigil pa ako.” Ngumiti na lang ako sa kanya at hinigit niya ako sa beywang. Muling namula ang mukha ko. Kinikilig ako. Ang gwapo nito. “Ah! Akin na, Ren.” Kinuha niya nag susi ng kung ano katabi ng inumin niya habang nakatingin lang ng diretso sa akin.

“Ingat kayo ah!” Ngumiti lang ako sa lalaki na kumaway lang sa amin. Napatingin parin ako kay Mika na tulala lang sa akin.

“Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at lumingo. “Bakit?” Nag-aalala kong tanong.

“Ang hot mo. Ang ganda mo. Mahal kita pa kita. Ang hirap na magpigil.” Napangiti na lang ako at tumingin sa karagatan. “Tara na nga baka kung ano pang magagawa ko sayo.” Napatawa na lang ako. Ganito na ba ako ka-init? Hinila na niya ako papunta sa dagat. Kinuha na rin niya ang towel na bitbit ko at binato sa lumapit na lalaki.

“Anong gagawin ko dito?” Tanong ko sa kanya ng binigay niya sa akin ang isang life jacket.

“Suot mo na lang.” Sinuot ko na lang ito at tumingin sa kanya. Isa rin ‘tong mainit eh! Hoh! Ang gwapo na. Ang init pa. Mahal kita hoh!

Tumingin ako sa likuran niya at nakita ang ilang mga kababaihan na nakatingin sa kanya. Ahh! Pinagbubulungan pa nila habang nakatingin kay Mika. Ahh! Bakit ba ang hot mo, Ye? Kaya ang init sa pinas eh! Hinawakan ni Mika ang mukha ko at hinarap sa kanya. Nagpipigil siya ng ngiti habang hinawakan ang noo ko.

“Wag masydong magselos. Tara na.” Hinila na ako ni Mika papunta sa dalampasigan kung saan nakaparada ang isang…

“Jet ski?” Muntik na akong mapasigaw ng makita ko ang isang blue jet ski na nakaparada sa harapan namin. Tumango lang si Mika sa akin ng nakangiti ng malapad. “Sasakay tayo ng jet ski?” Tanong ko sa kanya.

“Kung gusto mo lang—“ Biglang ko na siyang niyakap kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya. “Tara na. Mahaba-haba pa ang araw na ‘to.”

Naglakad na kaming dalawa ni Mika papalapit sa jet ski. Tinanggal niya ang parang Angkor para hindi lumatang papalayo ang jet ski namin. Yes naman. Hindi pa ako nakakita ng personal nito. Dream come true na nga ito.Wahaha!

“Sino magmamaniho?” Tanong ko kay Mika. Naglakad siya papalapit sa akin at sumakay sa jet ski. Siya ang magmamaniho.

“Hali ka dito. Ikaw magmamaniho.” Hinila niya ang kamay ko at pinaupo na sa harapan niya. “Tuturuan kita kaya makinig ka ha?” Tumango lang ako sa kanya at nginitian naman niya ako. “Let’s get into it.”

Nasa likuran lang si Mika naka-upo at hinawakan ang dalawang kamay ko sa manibela. Ang cute ni Mika. Ang lambot ng kamay niya ah! Ramdam ko naman ang hininga niya sa bandang leeg ko. Nakakakili ah!

(ENGINE STARTS)

“WOOOOOHOOOOOOO!!!” Sigaw ko ng biglang umandar ito at pinatakbo ni Mika ng mabilis. Wahahaha! “ANG GANDA!!!”

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Where stories live. Discover now