"Magsiuwi nga muna kayo! Puro kayo lato lato!" Rinig kong sigaw ni mommy sa mga maiingay na bata sa labas na nagpapalakasan ng lato lato.

Humiga na ko sa kama at nagbalot na ng kulambo sa paa. Bata palang ako ay kinukumot ko na talaga ang kulambo at hindi ako napapakali ng wala nito sa katawan ko. Ewan ko ba, pero hindi ko na siya maiwasan ngayon. Sa katunayan, hindi rin ako nakakatulog pag wala ito.

Nagresearch ako about it at laking pasasalamat ko nalang na hindi lang pala ako ang nakakaranas ng ganitong attachment sa kulambo. Kung sa iba ito ay mainit at nakakainis sa balat, para sa amin, nakakaginhawa ito at masarap talaga sa pakiramdam.

Alam kong hindi lang ako ang makakarelate dito pero hindi ko kayang mabuhay ng walang kulambo.

Napapaisip nga ako kung pano kaya kapag nagkaboyfriend na ko. Baka maweirduhan siya sakin at maturn off kapag nalaman niya.

Hay nako. Mukhang mahihirapan nga talaga akong makapangasawa.

Nag scroll nalang ulit ako sa Facebook at chineck ang pinakalatest na ganap don. As usual, about na naman sa mga vloggers ang issue at cheating na naman ang topic.

Hays. Nakakatakot na talaga magjowa sa panahon ngayon. Nakakatakot narin makipagkaibigan. Parang ang hirap na magtiwala kahit kanino. Parang lahat capable na magloko.

Natawa ako sa mga bagong memes patungkol sa issue. Sobrang bilis talaga kumilos ng mga pinoy kapag kalokohan e no? 

Nang matapos na ko tumawa at mag imbestiga tungkol sa issue, pumunta naman ako sa IG para i-charge ang aesthetic spirit ko.

IG talaga ang tambayan ko kapag aesthetic na ang usapan. Meron din naman sa Facebook pero sobrang toxic kasi don kaya no thanks nalang.

Biruin mo, nagpalit ka lang ng dp, may kaibigan ka ng magcocomment ng 'sana kilala pa ko nito'.

Kaya sa IG talaga ako tumatambay kapag tumitingin ako ng idea para sa pictures ko e. Dito din ako naglalagi kapag gusto kong mainsecure at umiyak sa gabi.

Nag-story lang ako ng sunset na kinunan ko kahapon at isang motivational quote na nabasa ko about life. Shinare ko rin yon sa Facebook story para magkaron naman ng ganap ang fb ko.

Nang magsawa narin ako sa IG ay nag-youtube naman ako.

Nanood lang ako ng vlog ng isa sa mga favorite vlogger ko. May bago siyang video about her room make over series and the 'dalaga' in me is excited na naman na mag-move out.

Nagdday dream na ko about sa condo na gusto kong tirahan soon nang mag-pop out sa screen ko ang message at chat head ng bestfriend ko na si Loise.


Loise:

Nagpicture din ako kahapon.


Hindi ko na-gets agad ang message niya kaya hindi ko sana muna siya rereplyan pero nagchat na naman ang bruha. Tsk.

Nagreply pala siya sa story ko about sunset at nagsend din siya ng pictures na kuha niya din daw kahapon.

Nag usap kami about don habang nanonood parin ako ng vlog. Tsaka ko nalang inalis ang chat head niya nung hindi na siya ulit nagreply dahil maliligo na daw siya.

My Pandemic Love TaleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora