Chapter 38 Knock Out

13K 410 43
                                    

So here's an update,hehe hope you enjoy guys.


Lhyn's POV

TOK
TOK
TOK
TOK
TOK
TOK
TOK
TOK
TOK



"Cough Cough Cough!" hoh! Putek naman oh!



Problema ba nun?! May balak ba siyang sirain yung pinto ko?! Lintik naman oh istorbo, kumakain pa ako eh!




Padabog akong tumayo sa upuan ko, may laman pa tong bibig ko ha. Tumakbo ako papunta sa pinto dahil konti nalang talaga masisira na niya.




Binuksan ko ito at handa na sana akong sigawan si Velmont, kaso hindi ko nagawa dahil hindi pala siya kundi yung taong halos isang buwan ko ng hindi nakikita, " hiiii babyyy, hik" si jennifer.




Tsk amoy alak, "bakit ka pumunta ng lasing dito Jennifer?" napaatras ako dahil bigla siyang yumakap sa leeg ko.




"Don't youu mishhh me baby?" nagpapacute niyang tanong.




Ano ba yan, "jennifer lasing ka, umuwi ka na" pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sakin.




"ayuuukoo, babyyyy mishhh kita" lasing na lasing na sabi niya, tapos nagpapabigat pa, ano akala niya magaan siya? tsk.




"Jennifer umuwi ka na okay? bumalik ka na lang pag hindi ka na lasing, ipapasundo na-" humiwalay siya sakin bigla.




"Ayuko nga!" sigaw niya, "hindi ka ba nakakaintindi?! I want to be here, here beside you! Mahal kita bakit ba pinagtatabuyan mo ako ha?!" sigaw niya na nawala bigla ang kalasingan.




Ito na nga ba ang sinasabi ko pag lasing eh, "Jennifer sinabi ko na rin na hang-" pinutol ulit niya.




"Kaibigan?! Fuck that shit! Mahal kita lhyn! Kaya kong ibigay sayo ang lahat! Gagawin ko lahat para sayo! Mahalin mo lang din ako!"




Lumapit siya sakin, at hinawakan ang magkabila kong pisngi,nakatayo lang ako na parang timang, "please mahalin mo rin ako".




Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila niya ako at hinalikan nang madiin ang labi ko. Lumaki naman ang mga mata ko sa gulat. Nakapikit lang siya na parang dinadama ang labi ko sa labi niya.



Itinutulak ko siya sa balikat pero mas dinidiinan niya lang ang mga halik niya. Buset naman oh! Ang sakit na ng labi ko.



Pilit pa rin akong nagpupumiglas hanggang sa may nanghila sakanya palayo sakin.




"How dare you bitch!" Galit na sigaw ni Velmont, pumunta siya sa harapan ko at hinarangan si Jennifer.




"Who the hell are you?!" sigaw din ni Jennifer.




Ako nandito nanonood lang sa dalawang halos patayin na ang isa't isa ng tingin.




"I'm your worst nightmate bitch!" pagkatapos niyang isigaw yun ay itinaas niya ang kanang kamay niya at.....




PAKKKKKK!!!!




Halos mapapikit ako sa sobrang lakas ng sampal niya, wala akong narinig na reaksyon mula kay Jennifer kaya iminulat ko ang mga mata ko.



At laking gulat ko nang makita kong nakahiga siya sa sahig walang malay.




Syete!!! Ganun kalakas yung sampal?!



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu