Chapter 37 Makulit

12.7K 363 22
                                    

Lhyn's POV

"What's with the long face?" Si ate naya na pumasok nalang dito sa office ko ng basta basta,porket kanila to eh.




"Eh kasi naman ate yung makameeting ko kahapon" reklamo ko na parang bata.



"Bakit? Demanding ba?"




"Hindi, mas malala pa"




"Mas demanding?" yung totoo? porket mas malala lalagyan nalang ng mas.




"Ate hindi, hindi ka maniniwala kung sino"



"Sino ba kasi? sabihin mo nalang kaya eh noh?" nawawalan na siya ng pasensya,haha.



"Si Velmont, Samantha Velmont"



"What?! Siya?!"



"Hindi ate, kasasabi ko lang di ba?"



Binatukan niya ako, "che! So anong nangyari? Dali kwento"



"Wala naman,kumain lang kami, meeting yun lang, okay naman yung proposal,nagustuhan niya" hindi ko na ininclude yung nakatitig lang siya sakin,yung pangblablackmail niya sakin at yung I want to take you back daw.




Pagkatapos niyang sabihin yun, tinawanan ko lang siya, I want you back? tapos ano lolokohin, sinabihan ko siya na tigilan na ang pagpapatawa pero nakatingin lang siya sakin nang seryoso. Pumayag ako sa gusto niyang magcoffee daw kami, pero yung take back? pwe! Never.




Iniwanan ko siya dun pagkatapos kong sabihin yun. As I said before hindi na ako magpapaloko ulit,dahil ang minsan nang manloloko ay manloloko lang ulit.



"Really?!" masayang tanong ni ate, "so may chance na pumirma sila?"



"Siguro" nagkibit balikat ako.



"Siguro ka dyan, alam ko naman na pipirma yun eh"



"Wag ka munang pasiguro ate, baka magback out ako sige ka hindi siya pipirma" bulong lang ang mga huli kong sinabi. Mahirap na.



"Ha? Anong sinabi mo?"




"Wala ang sabi ko wag na muna tayong pasisigurado,btw kamusta naman yung pinuntahan mo dun sa Cebu okay na?"



"yes ayos na,slight lang naman na problema about sa mga empleyado eh,,, at tsaka may nameet akong isang italyano" parang kinikilig siya, ai naku ayan na naman siya.




"Oh tapos?" tinatamad kong tanong.



"Ang gwapo gwapo niya, oh my god! Tapos tapos well built pa ang katawan" hindi magkamayaw na describe niya, with action pa yan.



Hulaan ko kung ano ang susunod niyang sasabihin, na kapag nagkita daw ulit sila siya na ang nakatadhana sakanya.




"Kung makikita ko ulit siya siya na ang itinadhana sakin ng kalangitan" oh see? sabi sa inyo eh,ganyan siya,tuwing nagaaout of town o country palaging may namemeet na lalake tapos kikiligin siya may patadha tadhana pang nalalaman, tapos kinabukasan wala na, parang walang nangyari.



"ate naya my goodness, pang ilan na ba yan?" pang ilan ko na rin na tanong to sakanya.



"Wag ka nga, ito na talaga"




"Ate sinabi mo na yan sakin nung last time,nung last last time,nung last last last time at nung last last last last time"




"Hindi siya na talaga"



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora