Chapter 9 Deni and Mich

14.7K 429 42
                                    

Lhyn's Pov

Ugh pagod na'ko, kanina pa kami palakad lakad simula nung tapos naming kumain ng pananghalian kanina, napaaga nga eh kasi daw para may lakas kaming maglakad at magshopping pero itong delmonteng to lahat ng binili sakin ipabitbit para daw may silbi ako,

hiyang hiya naman ako sakanya eh no? kung makapagsabi eh ni isa ngang shopping bag wala siyang bitbit bwisit!

Sana pala hindi nalang ako pumunta, yung plano ko kahapon na maghapong hihilata at matulog wala na, tsk!

"Velmont pagod na'ko halos mag aapat na oras na tayong naglalakad at bumibili, magpahinga naman tayo oh" paawa ko sakanya habang nakasunod sa likod niya, lumingon naman siya sakin, at tumaas ang isang kilay niya,

"Yun lang pagod ka na?! My Goodness Lazaro hindi pa nga tayo nangangalahati dito sa mall pagod ka na, pano nalang kaya kung libutin pa natin to?" di makapaniwalang sabi niya,

huwaaat?! Hindi pa nangangalahati sa dami ng napuntahan namin?! at teka may balak siyang puntahan lahat?! baka hindi na ako makauwi sa bahay pagkaganun,.

"Eh sa pagod na ako eh, ako pa pinagbitbit mo lahat kamusta naman yun?"

"Tsk such a weakling"tapos umiling iling siya "okay just one last store then let's rest and have some snacks okay?" tumango nalang ako, para namang may magagawa ako eh.

Pumasok kami sa bilihan ng mga nagmamahalang damit na halos ang pinakamura ay kasing presyo ng bike ko, grabe naman! pare pareho lang din naman na damit, tsk

"Here try this Lazaro" sabay bigay sakin ng nakahanger pa na v-neck shirt na kulay blue, may print siyang I'M YOURS?

okay? bakit ganito to?

"Para saan to?" takang tumingin ako sa shirt tas sakanya,

"Subukan mong punitin, duh! isukat mo, you're so stupid talaga" kanina pa to ah, ang hilig mamilosopo,  isa pa talaga baka masapak ko na to, pagod na nga ang tao mamimilosopo pa,

"Oo nga pero para saan?" naiiritang tanong ko,

"Ka-"  pero bago pa siya makapagsalita ulit sinuntok ko na , djk lang, pinutol ko kung ano man kapilosopohang sasabihin niya dahil baka hindi ako makapagpigil.

"Oo na oo na,isusukat na manahimik ka na lang diyan" sabay lapag sa mga shopping bags kuha sa shirt at pumunta  na ng fitting room, t shirt lang kasi kailangan pang isukat, tsk!

Pagkatapos kong isuot ay lumabas na ako para makita niya,

Ngumisi naman siya na parang may binabalak,

ano kaya gagawin neto? ayuko ng ngising yun,.

"Hmmhmm perfect" masayang sabi niya, "hubarin mo na para mabayaran"

"Ha?? te-teka wala akong dalang pera" nahihiyang sabi ko,tas ang mahal pa nitong damit,

"Silly, ako ang magbabayad niyan kaya bilisan mo" sabi niya pero pansin ko lang may hawak din siyang color blue din na damit,

tss nevermind na nga lang.

After millenium years nakaupo na rin ako, " hooh! nakakapagod grabe!" Nandito kami ngayon sa may shakeys, kakain daw kasi kami,.

"What do you want to eat Lazaro? Ako na ang oorder" tanong niya sabay tayo,

"Kahit ano basta edible" tumango siya tapos pumunta na ng counter,.

I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα