Chapter 20 Ang TANGA ko

12.5K 420 30
                                    

Lhyn's POV

Bisperas na nang bagong taon bukas pero hindi ko pa rin makontak si Mich, pag tinatawagan ko hindi ko macontact,bakit naman kasi nakapatay eh miss na miss ko na siya,


hay di kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap. Lakas tama talaga ako sa babaeng yun.


Galit kaya siya kasi di ba nga nung huli naming pag uusap noong Christmas pa ay sinigawan niya ako, na isa akong malandi at isang hayop, nasabihan pa nga niya ulit na bitch si lyra eh haha, kawawang lyra nadadamay sa init ng ulo ni bipolar.

"Oh nagsesenti ka na naman, di mo pa rin ba makontak?" si lyra, umupo siya sa tabi ko.

Nandito ako ngayon sa may bakuran nakaupo sa upuan na kahoy ng narra.

Umiling lang ako at bumuntong hininga "Ano ba kasi ang problema nun at bigla biglang nagagalit sayo?"


"Ewan ko, minsan kasi ang hirap niyang intindihin" malungkot na saad ko.


"Babe may tanong lang ako" tumingin ako sakanya "anong nagustuhan mo sakanya? gaya nga ng kwento mo, masungit siya,palagi ka niyang sinisigawan, inaalipin ka pa, ano babe, bakit ka nagkagusto doon eh marami namang maganda diyan na naghahabol sayo"

"Nagustuhan ko sakanya?? Hmmm" nag isip ako ng pwedeng dahilan kung bakit, "ewan" simpleng sagot ko.

eh sa wala akong maisip na dahilan kung bakit ko siya nagustuhan eh.


"Ewan? sure kang hindi mo alam?" taas kilay niyang tanong.

"Hindi ko nga alam, basta unang kita ko palang nahulog na ako, hindi dahil sa maganda siya kundi dahil parang may naramdaman akong kakaiba sakanya, yun bang kapag tinitigan ka niya mahihipnotismo ka"


"Hmmhmm" tumango tango siya "inlove ka nga" ngumiti siya sakin.


"Oo inlove nga kaso pag ibig na masasayang lang dahil hindi naman niya masusuklian" nalungkot naman ako dun,

yan kasi umaasa ka ayan tuloy nganga ka.


Bwisit!


"Okay lang yan babe marami pa namang iba diyan" pagpapalakas niya ng loob ko.

Sana nga lang.
.
.
.
.
.

hapon na at eto ako sinusubukan ko pa rin siyang kontakin, pag ako talaga napuno ihahagis ko tong phone ko!


pero syempre joke lang yun, haha,wala akong pambili nang bago. Nandito ako sa living room nakaupo sa may couch kasama ang dalawa kong kuya,may pinuntahan sila papa at mama kasama si king.

"Sino ba kasi yang tinatawagan mo? Kanina pa yan ah? Boyfriend mo noh?" si kuya jeff taas baba pa ang kilay, ahitan ko kaya yan, nabwiwisit na nga ako,dadagdag pa eh.

"Kuya hindi, at wala akong boyfriend" sabay irap ko.


"Wala daw, sus hindi ka naman parang sinakluban ng langit at lupa kung hindi eh" si kuya derick naman,isa pa to kung ibaon ko kaya kayo sa lupa nang mapunta na kayo sa langit.

"Wala nga kulit, kaibigan ko lang to, at babae to okay"

"Eh di wala, dahil pag meron talaga ililibing namin yan ng buhay" seryosong sabi ni kuya jeff pati si kuya rick seryoso din ang mukha,

kinabahan ako bigla dun, eh paano nalang pag naging kami nga tapos babae pa siya, eh di pareho na kaming malilibing ng buhay neto,'' kaso aasa pa ba ako?'',lintik to!!!


I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now