Chapter 19 O_O

12.9K 412 98
                                    

Lhyn's POV

Lagpas 2 am na nang matapos ang kasiyahan, wala na ang mga bisita maliban sa amin ni ate maiden, sabay na daw kasi kaming umuwi.



"Goodnight birthday girl,muuna na kami ha ihahatid ko pa kasi to sa may terminal mamaya" si ate maiden at humalik na sa pisngi niya.



"Sige ate goodnight din" nauna nang pumasok si ate sa sasakyan niya at nandito pa rin ako nakatayo sa harapan ni mich.



Tumingin siya sakin. "So mag iingat ka sa pag uwi ha? babalik ka pa nang buhay sakin" sabi niya habang nakangiti. Para namang digmaan yung pupuntahan ko haha.



"Oo naman, may pasok pa sa susunod na taon eh haha" nagtaka naman ako nang tinignan niya ang likod ko,tumingin din ako sa tinitignan niya,si ate maiden na nakaupo sa driver's seat at kinakalikot ang phone niya, "bakit?" tanong ko nang tumingin na ulit ako sakanya at ganun din siya.


"Lapit mo mukha mo, dali" sabay sign pa ng mga kamay niya na lumapit ako.


"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko.


"Dali na! Wag ka nang matanong!" tsk sungit,



Wala na akong nagawa kundi sundin siya,inilapit ko ang mukha ko sakanya.


Tumingkayad siya nang kaunti at akala ko hahalikan niya lang ako sa pisngi pero hindi!!!



TSUP!



OH MY GOD!!!!!!!



lumaki ang mga mata ko sa ginawa niya.



Ganito kalaki oh O_O



SHE KISSED ME!!!



NOT ON MY CHEEKS BUT ON MY LIPS!!!!



PUTEK LANG YUNG PUSO KO NAHULOG NA!!! pakipulot please.



Tumagal nang siguro limang segundo ang halik niya dahil wala akong lakas para gumalaw.



Lumayo siya nang kaunti sa mukha ko, para akong natuod sa kinatatayuan ko, ikaw ba naman halikan ng MAHAL MO!



Jusko! Pati yung kaluluwa ko nahiwalay na ata.



"Hmmm thank you for coming tonight, you made me the happiest girl Deni"sabi niya nang nakangiti, magkalapit pa rin ang mukha namin at nakatingin siya sa mga mata ko.



SPEECHLESS!



"hey ok ka lang?"



SPEECHLESS!



"Deni, are you alright? Hey magsalita ka naman" habang hinahaplos niya ako sa pisngi.



SPEECHLESS PA RIN!


hindi niyo ako masisisi dahil yun ang FIRST KISS KO at sa taong palihim ko pa talagang minamahal nangyari!



oh em gee!



guys tulong naghihyperventilate na ako sa loob loob ko.



PAK!!!



Aray!!!

At dun na nga ako natauhan, sampalin daw ba ako. Kumurap kurap ang mga mata ko at umayos ng tayo.



"Aray naman! Bakit ka ba nananampal?!" hinimas himas ko ang pisngi ko.



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now