Chapter 32 The Deal

11.4K 385 15
                                    

Aloha! Haha guys imbento ko lang lahat ng mga sinabi ko dito about sa comatose thingy. BA student ako kaya nil knowledge ako sa mga ganun hehe.

-L.A.-



Maiden's POV

Pagkababa ko ng tawag ni trix mabilis kong tinawagan si tito denise para ipaalam sakanya na naaksidente si lhyn.



Pagkatapos ng tawag ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nagtungo na sa garage, wala pa si papa nasa hospital pa siya sa hospital din kung saan dinala si lhyn.



Ano ba kasing nangyari at nabangga siya, imposible naman na dahil sa katangahan, alam kung may mas malalim na rason dahil dun.



Pagkapark ko ng kotse ko, medyo umaambon pa pero sige lang, tumakbo ako papuntang emergency room at nadatnan ko si trix na nakasubsob ang mukha sa dalawang palad niya habang nakayuko.


"What happened trix?" bakas ang sobrang pag aalala sakin.


Tumingin siya sakin, basang basa ng luha ang pisngi niya "h-hindi k-ko alam ate, nagpunta lang ka-kami sa m-mall dahil bibili daw siya ng regalo para kay sam,  pinauna niya ako,ang sabi niya magccr lang daw siya pero heto nga n-nangyari to" umiyak ulit siya.


Niyakap ko siya at hindi ko na rin mapigilang umiyak dahil sa sobrang pag aalala sa kung ano mang pwedeng mangyari.


Pagkaraan nang ilang minuto dumating na rin si tito at may kasamang dalawang pulis, tumigil na rin kami sa pag iyak.


"Okay lang ba siya?" nag aalalang tanong niya.


"Hindi namin alam tito, hindi pa lumalabas ang doctor"


"Ganun ba, ano ba kasi ang nangyari at nabangga siya? may nakakaalam ba sa inyo?"


"Ako po ang kasama niya kanina bago po siya maaksidente, pero hindi ko po alam ang eksaktong detalye" mahinang saad ni trix.


"ganun ba iha, ito pala yung mga kasamahan ko na magiimbestiga tungkol dito,,, kayo nang bahalang umalam ng mga nangyari, aasahan ko kayo" sabi ni tito sa dalawang pulis.


"Yes sir" nagsalute sila pagkatapos ay umalis na.


Umupo kaming tatlo at tahimik na naghihintay hanggang sa lumabas ang doctor.


Halos limang oras na kaming naghihintay at wala pa ring doctor, tanong kami nang tanong sa mga nurse na lumalabas at pumapasok pero wala naman silang mga sagot. Bwisit!


"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" napatingin kami sa doctor na nagtanong, tumayo kami agad agad at lumapit sakanya


"Oo doc, ako ang tatay niya, okay lang ba siya?" nag aalalang tanong ni tito.


"Out of danger na siya sa ngayon, pero I'm sorry to say this sir but she's in coma, masyadong malakas ang impact nang bangga sa ulo niya kaya malaki ang damage nito sa utak niya"


Halos mapaluhod ako sa mga narinig ko coma? comatose siya?

"And one more thing, we need to undergo an immediate surgery, we found out that there's a severe bleeding inside her head o mas kilala ito na haemorrhage at maaari niyang ikamatay kapag hindi agad naagapan, so I suggest sir that we will perform an immediate surgery to prevent her sudden death"


"D-doc gawin niyo lahat nang makakaya niyo para iligtas ang anak ko, kung kailangan siyang operahan operahan niyo agad"desperadong pahayag ni tito denise.


I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now