Chapter 6 Yuhooo??

15.5K 455 27
                                    

Lhyn's Pov

Kringgggg kringgggg kringgggg!!!

Ugh umaga na naman! ang bilis naman ng oras, hayyy,

pinatay ko na ang alarm at nagsimula ng kumilos para sa bagong umaga na haharapin ko na magbibigay sa akin ng bagong pagasa, wow! galing! Hehe,

Pagkatapos kong magbihis ng white na shirt,white na jeans at white na vans,

bakit may problema? eh sa white ang gusto ko ngayong araw eh, bumaba na ako para makapagbreakfast.

Maagang pumasok ngayon sina papa at tito kaya malamang sa malamang si ate maiden lang na busy sa paglamutak sa mga pagkain ang nadatnan ko,

"Goodmorning ate" bati ko sakanya sabay upo,

"Goodmorning din,Anong meron at naka purong puti ka?" Tanong niya,sinilip pa niya sa may ilalim ng mesa yung sapatos ko, bakit ba? eh siya nga eh pure pink, hehe

"Trip ko lang ate, at ikaw din naman ah puro pink" sabay kuha ng pancake at kumain "ikaw nagluto ate" tumango naman siya sabay ngumiti ng malapad, "kaya pala" sabay tango ko,

"kaya pala ano? masarap?" Excited na tanong niya.

"Hindi, ang sama ng lasa" kunwaring sabi ko, masarap naman talaga siya pero gusto ko lang siyang pagtripan,haha. Sumimangot naman siya,

"Hmp! Akin na yan, di pala masarap eh!" sabi niya, kukunin na niya sana yung plato ko pero mabilis kong iniwas,

"Joke lang ate, masarap siya hehe"ako

"Sabay ka na sakin pumasok" sabi niya hindi yun tanong, nag uutos siya,

"Ah hindi na ate, may bike naman akong gagamitin eh" tanggi ko

"Sa'yo pala yun, pero okay lang naman kung sumabay ka sakin eh" pilit pa rin niya,

"Ate at pinsan kong maganda okay lang talaga, mas prefer kong magbike" tignan niyo papayag na yan, binola ko kasi,

sshhh! tahimik lang kayo,

"Okay kung yan ang gusto mo" nakingiting sabi niya, oh tingnan niyo na,

Pagkatapos naming kumain at magligpit ng pinagkainan ay pumasok na kami.

Habang nagbabike ako ay iniisip ko ang mga nangyari kahapon, naguguluhan pa rin kasi ako sa inasta ni Velmont nang lumapit sakin ang ex niya, kung talagang nakapagmove on na siya dapat hindi na siya nagagalit di ba? I mean dapat hindi na siya nangengealam at naghahabol pa sa kulogong yun, ang ganda niya kasi para maging aso lang na naghahabol sa isang kulugo, ang nararapat sakanya ay minamahal,kahit naman sinasabi nila na masama ang ugali niya, tsk sayang siya,

Nakita kong nakatayo sina trix,cindy,at thony sa may tabi ng kotse ni trix, nagkwekwentuhan sila,tinungo ko kung saan sila nakatayo habang nakasakay pa rin sa bike ko.

"Hi goodmorning guys!"masiglang bati ko

"Goodmorning" sabay sabay ding bati nila,

"Wow what a unique service you have there lhyn" manghang sabi ni thony habang sinusuri ang bike ko, unique? di rin

"Hindi naman, ordinaryong bisikleta nga lang to eh" saad ko.

"So hindi na kita maihahatid ganun?" malungkot kunwari na saad ni trix, tumawa lang ako, pansin ko naman kay cindy na nakayuko at tinitignan niya ang sapatos niya, palagi nalang siyang ganito, kanina naman ang saya saya pa niyang nakikipagkwentuhan sa dalawa, pero dumating lang ako tumahimik na siya, ayaw kaya niya sakin?, wag naman sana.

"U-uhm u-una na a-ako guys,si-sige" utal utal na paalam niya sabay lakad nang mabilis,

"Ayaw niya ba sakin?" Malungkot na tanong ko sa dalawa,

I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now