Chapter 8 Noted

15.5K 461 56
                                    

Lhyn's Pov

Uwian na naman, oh em walang pasok bukas,hihilata ako maghapon at matutulog, excited na ako, nauna nang umuwi si trix, may iniutos pa kasi si prof. Garcia, tsk.

matandang hukluban na yun, hindi naman mabigat pero ipinabuhat pa rin niya at ako pa talaga ah? kaya pala binola ako dahil may iuutos, may most outstanding student pang nalalaman, di nalang sabihin nang diretso, tsk.

"Bakit ang tagal mo?! Kanina pa ako dito ah?! nakipaglandian ka na naman ba?!"

hulaan niyo kung sino??

yupp tama po kayo, isang nakabusangot na Delmonte ang nakatayo sa tabi ng pinakamamahal kong bisikleta,

"Oh bakit? sinabi ko bang hintayin mo ako?"

"Tsk stupid" sabay irap niya,

"stupid, stupid, pwe kala mo naman kung sino to inumin kita jan eh" bubulong bulong ko, mahirap na baka marinig niya eh, magiging couple na tong sampal ko,

"ano?! may sinasabi ka ba?!" kailan kaya to hindi magtataray? hmm

"Wala po, bakit mo nga pala ako hinihintay?" sabay sakay sa bike ko,

"Duh! Of course you're going to take me home"

"at bakit naman aber? pwede ka namang magpasundo o sana nagpahatid ka na lang kina vivian?"

"Bakit ayaw mo?!"

"May sinabi ako?" ayaw ko nang masampal,

"Good, let's go then" sabay ngiti at sakay sa likod ng bisikleta ko,

luh! Bipolar lang,.

Hindi gaya kaninang umaga na nakalagay lang sa bewang ko ang kamay niya, ngayon nakayakap na,

  ano ba Delmonte! kinikilig ako! djk lang naiihi lang talaga ako, haha. Sinimulan ko nang magpedal,.

"Saan bahay niyo?" tanong ko sakanya

"Sa Velmont Realm" sagot niya

"Ha? Saan yun?" eh sa hindi ko alam eh, may realm realm pang nalalaman, pwe!

"What?! di mo alam yun?!" gulat na tanong niya,

"tsk! tatanungin ko ba kung alam ko? at tsaka bago pa lang ako dito sa manila malay ko ba"

"Stupid talaga, basta magpedal ka nalang hanggang sa tapat ng Villafuerte Subdivision, alam mo naman yun di ba?"

"Oo dun kami nakatira eh"

Pagkarating namin dun ay sinabi niyang kumaliwa ako,

"Teka wala namang bahay dito eh, pinagloloko mo lang ba ako?" paano naman kasi isang mahabang daan lang ang nakikita ko,

"Just keep pedalling stupid" humigpit naman ang yakap niya,

wow feel na feel?? tsk

Alam niyo para kaming sina cholo at jodi ng stairway to heaven, haha kulang nalang yung mga puno at dahon na nagalalaglagan,.

Makalipas ang ilang minutong pagpepedal ay tumapat kami sa isang malaking gate na may nakalagay na VELMONT REALM,

Wow! Kanila to, pero asan yung bahay? di ko makita,.

Bumaba si Delmonte at parang may kinausap sa may maliit na device sa gilid ng gate,. tas biglang bumukas yung gate, bumalik ulit siya sa pagkakaupo,

"Uhm papasok tayo?" tanong ko sakanya,.

Tumingin naman siya sakin na parang hindi makapaniwala

I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن