Chapter 13 Click

14.2K 452 11
                                    

Lhyn' POV

May natanaw akong isang dyosa na nakaupo sa may gilid nang napakalaking fountain habang papalapit ako sa harapan ng mansion nila .






Si Mich.





Tumayo siya nang mapansin niya ako at sinalubong ako.




"Goodmorning Deni" nakangiting bati niya tapos humalik sa pisngi ko.




Wow! first time niya akong binati, ano kaya nakain neto?




"Goodmorning din, anong almusal mo?" Tanong ko, tumingin naman siya sakin nang nagtataka,




"Why?? are you hungry? Do you want to eat?"




"Haha hindi tinatanong ko lang para palagi kong ipakain sayo, ang ganda ganda kasi nang ngiti mo ngayon eh, first time kang hindi nagsungit" natatawang sabi ko, pinalo naman niya ako sa braso pero nakangiti rin.





"Come on,let's go to my room" aya niya,.




Tumango naman ako at pumunta sa may garage para maipark itong bike ko.




Namangha ako pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pintuan,




WOW as in WOW!!!




kumikintab  pa yung sahig tapos may malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng ewan ko kung living room pa ring matatawag to sa sobrang laki,.




Mayron ding nagmamahalang sofa,vases at paintings na makikita.




Nagtungo kami sa hagdanan na napakalaki rin,grabe noh? ang galing kong magdescribe haha, wala eh mahirap lang ako. "Ang ganda naman ng bahay niyo" manghang sabi ko habang umaakyat kami sa grand staircase.




"Well what would you expect? My parents are both billionaires" mayabang na sabi niya. Eh di kayo na ang mayaman basta ako lakompake! hahaha




Huminto kami sa may tapat nang isang pinto,siguro ito na yung kwarto niya, "this is my room" sabi ko nga haha. Tapos binuksan niya.




Tumambad naman sakin ang malaki niyang kwarto na kulay blue,sky blue, navy blue, royal blue lahat na nang uri ng blue mayron, "mahilig ka sa blue?" Tanong ko habang inililibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya.




"Hindi ba obvious?" tapos umirap, oo na, tsk. "So what do you want to do?" nanindig naman ako dun dahil sa way nang pagsasalita niya, yung sobrang sweet na boses, grabe ha!




"Yung cellphone ko akin na" mabilis na sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya, eh sa wala akong alam na gawin eh, masisisi niyo ba ako? at yun lang ang tanging naisip ko.





"Stupid, manood nalang tayo ng movie" masungit na sabi niya sabay naglakad na parang nagdadabog.




luh! Bipolar talaga kahit kailan. Sumunod ako sakanya at naupo sa may couch dito sa room niya.




Kompleto rin dito, may mini ref siya,may TV na pagkalaki laki na mas malaki pa kaysa sa pintuan ng kwarto ko sa probinsya, complete sala set, yung bintana niya sliding na sing laki ng kama ko, may mga pictures din siya na nakasabit sa dingding,base sa nakikita ko hindi dito sa pilipinas kinuha yung mga yun,



bakit? kailan pa nagsnow dito? kailan pa nagkaroon ng Eiffel tower dito? at kailan pa napunta dito si Ariana Grande?




WHAT??!!!




I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now