Chapter 34

10.7K 375 20
                                    

Ihhhh double update hahaha.


Lhyn's POV

Five Years Later



"So that's all for my report" pagkatapos kong magsalita nagpalakpakan sila.



Nireport ko lang naman ang increase ng sales namin this month dahil sa mga bagong product na inilaunch ng company, malaki laki ang itinaas niya kung dati pag may bagong product mga 4%-5% lang ngayon naging 12%.



Hindi ko namalayan na tapos na pala ang meeting,nagsitayuan na sila at nagkamayan. Nang makalabas silang lahat,yumakap sakin si Ate Naya ang COO ng companya, oo sakanila ito, cosmetic company ito pero ang pinakaproduct nila ay perfume.



"Ang galing galing galing mo talaga,I'm so proud of you" hinalik halikan niya ako sa pisngi. Natatawa naman ako.



"Ate I'm just doing my job properly, haha"



"Kahit na ikaw kaya nakaisip nun kaya lumaki ang sales" kumalas na siya ng yakap



Alam niyo kung ano ang ibig niyang sabihin? hindi? K.



Haha joke lang, nakaisip kasi ako na palitan ang mga old models, at alam niyo kung sino ang ipinalit ko? haha oo ako, kami ni ate Naya, syempre sa sobrang ganda ba naman naming toh hindi bebenta? ang yabang ko noh? haha



"Ate dahil yun sayo kasi magaling kang boss haha"



"Che bola ka pa,halika na treat kita ng lunch" tumango ako at naglakad na kami hanggang sa elevator.



Pumasok kami sa Favorite naming kainan ni ate Naya.



"Same pa rin?" tanong niya sakin pagkaupo namin sa may two seater sa tabi ng glasswall ng resto.



"Yes ate" sabi ko at tumingin sa may labas, pinapanood ang mga sasakyan.



It's already been five years, ang bilis lumipas ng araw, parang nung nakaraan lang kakapasok ko palang sa VU at nakakilala ng mga mababait at mabubuting mga tao, katulad ni ate naya, pagkagraduate ko kasi noon,nirecruit niya agad ako, syempre sino ba naman ako para tumanggi di ba? Nasa harapan ko na tatanggihan ko pa? haha hindi na ako tanga gaya noon.



Kung tinatanong niyo naman kung nakamove on na ako sakanya? Oo sagad na sagad pa,,,, 'weh? Talaga? sinong niloko mo?' sabi ni inner self ko.



Lintik naman oh, bakit ka ba nakikisabat, hindi ka kailangan dito. Hayyy, sa totoo lang hindi ko talaga alam, okay na ako, hindi na masakit tuwing naiisip ko yung mga nangyari.



"So kumusta kayo nung Jennifer ba yun?" tanong ni ate naya na nagpabalik sakin sa realidad.



"Ah siya, okay naman magkaibigan kami" jennifer antonio, kapatid nung lalakeng kabit ni Velmont, alam kong gusto ako ni Jennifer pero nilinaw ko na sakanya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay, hindi lang dahil kapatid siya nung malanding lalakeng yun kundi dahil na rin sa hanggang ngayon hindi pa ako handang magmahal ulit kahit na limang taon na ang nakakalipas.



"Kaibigan lang talaga? pero umamin na siya sayo di ba?"



"Yeah pero hanggang kaibigan lang kami"



Tumango tango siya at dumating na ang order namin.



"Oh before I forgot, we have a new big as in big investor, kailangan nating makuha yun para na rin sa benefit ng company, big opportunity ito para makapagpatayo na rin tayo ng branch natin sa California"



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon