Chapter 27 Sorry na

12.8K 366 15
                                    

Sorry po kung ngayon lang nakapag update, hehe medyo busy lang.

-L.A.-

Lhyn's POV

"Wow laki ng ngiti natin ha?" si ate maiden habang nakasandal sa may doorframe niya .


"Kami na ate" masayang balita ko .


"Talaga?" gulat na tanong ni ate,tumango lang ako,  "congrats maganda kong pinsan haha" natatawa niyang saad, pero pagkaraan nang ilang segundo tumigil siya at parang may naalala "uhm lhyn pwede mo bang kausapin si Naya?"



"Hmm bakit naman ate may problema ba?" takang tanong ko, bakit naman kaya?


bumuntong hininga siya "basta kausapin mo nalang siya bukas okay para malinawan na rin siya at hindi na umasa, sige goodnight" hinalikan niya ako sa pisngi at pumasok na sa kwarto niya.


Okay??.....


Pumasok na ako ng kwarto ko, naghalf bath lang ako at humiga na sa kama ko. Inabot ko ang phone ko at nakita kong may text siya, napangiti naman ako.


From Mich ko<3

Did you get home safely Deni ko? <3 <3 :*


Hindi ako nagreply bagkus ay tinawagan ko siya. Isang ring lang at sinagot niya agad, ang bilis ha.


"Hey nakauwi ka na?" siya


"oo kanina pa nag usap lang kami saglit ni ate at naligo"

"Hmmhmm I miss you already" sigurado akong nakapout siya ngayon.


"Luh isang oras palang naman miss mo na ako agad ikaw ha"


"Naman ehhh, miss nga kita eh, total friday sa makalawa pwede bang magovernight ka please? para sa maganda mong girlfriend" pasweet niyang sabi.


"Uhm pag iisipan ko pa" kunwaring sagot ko. Magagalit na yan tignan niyo.


"You don't want to?!"


"Ang sabi ko po pag iisipan ko na muna okay"


"Pretty please? pumayag ka na mahal mo naman ako di ba? sige na denibabe"

"Haha sige na nga, saan mo na naman napulot yang denibabe ha?"

"Yes!" May kasama pang palakpak"yan ang gusto kong itawag sayo simula ngayon at ikaw naman tawagin mo akong michibabe ha? endearment natin"


"Haha sure galing mong mag isip ha"


"Of course ako pa, maganda kaya ako" wow ha,

"Oo na maganda ka na may magagawa pa ba ako?"

"Are you not agreeing that I'm actually a super gorgeous living goddess?!" sigurado ulit ako na nakataas na naman ang isang kilay neto.


"Wala akong sinabi ah, sumang ayon nga ako eh"

"Good, kasi sobrang ganda talaga ng girlfriend mo" hay naku kailan ba to magsasawa sa pagcompliment ng sarili niya? haha kaloka.


Nagpatuloy lang kaming mag usap at magpakilig sa isa't isa hanggang sa inaantok na kami pareho. Ang sarap sa pakiramdam na girlfriend ko na siya. The best birthday gift ever!.

.
.
.

"Michibabe excuse lang saglit ha, may kakausapin lang ako" nandito kami ngayon sa caf. kumakain ng lunch, nakita ko kasi si ate naya na tumakbo palabas, kakausapin ko lang siya gaya ng sabi ni ate maiden.

I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now