Nadistract tuloy ako sa shokoy na ito. Hmp! Makakain na nga lang. Umayos na ako ng upo at nagready. Hahaha. Nagready talaga? Yes, of course. Dapat may bwelo 'no. Ito na, here we go! Hingang malalim and... BOOOOOOMMM!!!

TIRA KUNG TIRA PURITA!!!

Kain. Subo. Nguya. Lunok. Ubos ang unang plato.

Kain. Subo. Nguya. Lunok. Ubos ang pangalawang plato.

Kain. Subo. Nguya. Lunok. Ubos ang pangatlong plato.

Kain. Subo. Nguya. Lunok. Ubos ang pang-apat na plato.

Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos kong maubos ang pang apat na plato. Four down, one to go. Pinagpawisan ako kaya pinalis ko muna ang pawis sa noo ko bago muling nag ready. Again, hingang malalim and...

Kain. Subo. Nguya. Lunok. Ubos ang panglimang plato.

Confetti!!!

"Burrpp..." Napahawak ako sa bibig ko. Oops! Busog na busog, e. Napasandal ako sa sandalan ng upuan at hinawakan ang aking tiyan. Nilingon ko si shokoy na kanina pa hindi umiimik. Napatawa ako sa reaksiyon niya. Halos hindi na maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa limang platong wala ng laman. Sabi niya sulitin ko e, ayan sulit na sulit.

"What are you laughing at?"

"Pfft... Eh kasi naman eh. Haha. Kasi naman... Nakakatawa kasi... Haha. Nakakatawa 'yang hitsura mo. Hahaha. Dami kong tawa. Sheyt. Hahaha. Sa sobrang dami, di ko na nabilang eh. Hala. Hahaha." Ibinagsak niya sa plato ang hawak niyang kutsara't tinidor na nagpahinto sa akin.

"Ako? Ako pa ngayon ang nakakatawa ang hitsura? Subukan mo kayang humarap sa salamin. Let's see kung hindi ka matawa sa makikita mo. Ah, I knew it. Hindi ka matatawa. Know why? Kasi panigurado, matatakot ka!" anito saka nag walkout. Ang pikon naman pala ng kurimaw. Tss! Wala akong oras sa pagda-drama niya. Oh wait a minute kapeng mainit! Speaking of oras, anong oras na ba? Kelangan ko pang umuwi. Baka pagalitan ako ni tita kapag ginabi ako.

"Huy!" tawag ko sa kanya na di pa naman gaanong nakakalayo. Di niya ako pinansin.

"Huy shokoy!" Di pa rin namamansin. Arte. Ano bang dapat kong gawin para pansinin ako nito? Ah. Alam ko na.

"Lance!"

"WHAT?" Oh diba? Effective.

"Teka, ano... sorry na. Tapos... pwede na ba akong umuwi?" Bumaling siya sa akin nang nakataas ang kilay.

"Uuwi ka? Sige umuwi ka na kung may mauuwian ka pa."

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Anong ha? Akala ko ba pinalayas ka na sa inyo? O baka naman kusa kang naglayas?" Ay siomai! Oo nga pala, pinalayas  na nga pala ako sa bahay. Naku naman, napakaulyanin ko na talaga. Kailangan ko na yata mag memo plus gold. Pero teka, bakit alam ng kurimaw na 'to na pinalayas ako sa bahay? Don't tell me... stalker ko siya? Napangisi ako.

"Oh? Nginingiti-ngiti mo diyan?" sita niya.

"Ikaw ha. Umamin ka nga. Ini-stalk mo ako 'no? Asus! Ikaw pala itong naa-attract sa kagandahan ko eh." Nakangisi pa ring usal ko.

"The fuck are you saying, ugly creature?! Ako? Ini-stalk ka? Mukha mo!"

"Weh? Paano mo aber nalamang pinalayas ako? Hmm?" sabay taas-baba ko ng kilay ko. Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Sa dami ba naman ng dala mong gamit, syempre aakalain kong naglayas ka o kaya naman pinalayas ka. Alangan namang mag-aabroad ka? Tss! Why am I even explaining to you?"

"Ah. Sorry." Napayuko ako at napakamot ng ulo. Pahiya ako doon ha? Makaalis na nga nang makahanap na ako ng magandang pwesto sa kalye. Pagiging taong grasa na yata talaga ang kapalaran ko, e.

"Dito ka na muna," biglang wika niyang ikinaangat ng ulo ko. Hindi siya nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

"Ano?"

"Sabi ko, dito ka na muna sa bahay ko hangga't wala ka pang malilipatan. Ano? Gusto mo i-translate ko pa sa english?" Unti unti akong napangiti at dahil sa kagalakan ay muntik ko pa siyang mayakap, kung hindi nga lang niya ako pinigilan.

"Saglit, hindi pa ako tapos! Patitirahin kita dito sa bahay ko in one condition." Napasimangot ako. Yun yun eh. May kondisyon.

"Ano naman yun?"

"Be my P.A."

"Sus! P.A. lang naman pala... Ano ba ang P.A.?"

Napakamot siya ng ulo at pinasadahan ako ng masamang tingin. Pinaglihi yata sa sama ng tingin ang lalaking ito, e. "P.A. means personal assistant, kung hindi mo pa rin alam kung ano ang personal assistant, personal na alalay yun sa tagalog."

Tumango tango ako. "So gusto mo akong maging personal na alalay?"

"Bakit, ayaw mo? Kung ayaw mo, makakaalis ka na," anito at tumulak na paakyat ng hagdan. Ni hindi pa nga ako sumasagot, e.

"Saglit!" sigaw ko na nagpahinto sa kanya. Nilingon niya ako, nakangisi.

"Payag na akong maging P.A. mo."

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now