Tumango si Migs. "Huwag ka na ring pumasok bukas. Magpahinga ka. 'Wag kang mag-alala, bayad ang oras mo bukas. Kung may kailangan ka, alam mo kung saan ako hahanapin."

Naglakad na ako pabalik sa bahay kahit na mahirap maglakad. Napansin ko pa ngang nag-take ng step forward si Barney para alalayan ako pero mula sa peripheral vision ko, nakita kong pinigilan siya ni Migs. Narinig ko silang nagtatalo pero 'di ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil halos nagbubulungan lang sila aggressively.

Taon pa ata bago ako makarating sa bahay at umiiyak na ang muscles ko habang umaakyat sa hagdan. Dumiretso ako sa banyo, humihiling na sana may bath tub si Lolo. Isang mahabang hot bath lang, mababawasan ang strain sa muscles ko. Kaso wala akong magagawa, dapat makuntento ako sa shower.

Ibinaba ko ang suot na short saka ako umupo sa inodoro at pinagmasdan ang pasa. Medyo triangular ito, parang shape ng horseshoe. Nakakatakot ang pagkakulay violet nito. Namamanhid na nga rin ang parteng iyon ng binti ko. Buti at ito lang ang inabot ko. Buti hindi nagdugo na kailangan pa ng tahi. I hate stitches. Takot ako sa karayom at injection.

Narinig kong pumuhit yung door knob at nang iangat ko ang tingin ko ay nandoon si Migs sa may pintuan at hawak ang ice pack sa isang kamay at baso ng tubig sa kabila.

"Anong ginagawa mo dito? Uso kumatok!" Tumingin si Migs sa hita ko at doon lang ako naging aware na wala nga pala akong suot na shorts. Kukunin ko dapat yung towel para takpan ang sarili ko pero it was out of my reach. Smiling, nilapag ni Migs ang baso ng tubig sa lababo saka kinuha ang towel at inabot sa akin. Agad ko namang hinagip iyon ay nilagay sa hita ko. "Labas!"

"Ikaw na nga 'tong tutulungan, ikaw pa ang nagmamaldita." Natatawang lumapit si Migs at inangat ang towel ko, dahan-dahan na ang infected area lang ang ma-reveal niya tapos ipinatong niya ang yelo doon saka ibinalik ang pagkakatakip ng tuwalya. Inabot niya mula sa lababo ang dalang tubig saka inilagay sa kamay ko. Tapos may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya at ipinatong sa palad ko. "Ibuprofen para hindi ka makaramdam ng sakit," paliwanag niya.

"Salamat," binulong ko lang dahil inaasahan kong hindi niya 'yon maririnig. Pero base sa paglabas ng dimples niya, alam kong nakuha niya ang sinabi ko.

Tahimik lang kami sa loob ng maliit na banyong iyon. Ewan ko ba. Itong banyo ata na ito ang lugar kung saan kami nagba-bonding. Sa dinami-rami ng kwarto sa bahay na 'to, banyo pa ang natripang gawing tambayan.

"Pwede mo akong kausapin, alam mo ba 'yon?" sabi ni Migs, binabasag ang katahimikan.

May suspicion ako na hindi maganda ang katatapusan ng usapang ito kaya iniwasan ko na agad. "Maliligo na ako kaya lumabas ka na."

Nalungkot ang features ni Migs bago siya tumango. Nilagay niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya. "Pagkatapos ng ilang oras, hot compress naman ang ilagay mo para umikot yung dugo sa ilalim ng pasa. Panatilihin mo ng isang oras. Tapos kung uupo o hihiga ka, i-elevate mo yung hita mo parang kanina lang nung nakalagay sa hita ko, gano'n kataas para lumayo ang dugo sa injury mo. Sasabihin ko na rin 'to kay Manang Lita para maalagaan ka niya."

"Ang dami mong alam sa pasa. Akala ko ba nadurog na puso lang ang specialty mo, Doc?"

Nag-twitch muli ang labi niya. "May mga exceptions din sa rule. Isa pa, hindi ikaw ang kauna-unahang tao na nasipa ng kabayo sa lugar na 'to."

"Nasipa ka na ng kabayo?"

Nagtungo siya sa pinto at bahagyang binuksan ito. "Sa pwet," ang paliwanag niya saka siya lumabas.

Hindi ko napigilang mapababa ang tingin sa naturang pwet habang lumalabas siya.

Nang magsara ang pinto ay pinatong ko ang siko sa uninjured na hita ko at binaon ang mukha ko sa kamay ko. Hindi ako ganito. Iisang maskara lang ang gamit ko kapag kinakaharap ang ibang tao. Bitch ako, remember? Bakit ba sa tuwing si Migs ang kaharap ko lagi na lang nadudulas ang maskara at ipinapakita kung ano ang nasa likod nito?

The Sweetest EscapeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora