Lihim 3: Chapter 10- Conde..

Start from the beginning
                                    

Kasama kong pumasok ang doktor nito at mga nars. May itinurok ang doktor sa kaibigan ko na sanhi ng unti-unting paghina ng boses nito. Hanggang sa tuluyan itong pumikit. Inalalayan nila itong humiga ng maayos.

"Doc.."

"Mrs. Conde.. susuriin po muna namin ang anak niyo.. mukhang nagkaroon ng trauma ang anak niyo.."

Hinawakan ko ang balikat ng ina ni Conde ng humagulgol ito.

Napatango ang ama ni Conde.

"Ang anak ko... ang kawawa kong anak.." umiiyak na sabi ng ina ni Conde.

Hindi ko na rin mapigilang mapaiyak.

Tinapunan ko ng tingin ang kaibigan ko, ang laki na rin ng pagbabago ng mukha at katawan nito.

"Hija tinawagan ko na ang asawa mo para sunduin ka.."

"Pero tito, kailangan.."

Umiling ito. "Kailangan mo ring magpahinga. Tinawagan ko rin mga kapatid ni Luke, para iuwi ang tita mo." Paliwanag nito.

Hindi na ako nagprotesta pa. Ayokong makaabala pa.

Tumango ako dito. Ilang minuto ang nakalipas dumating nga si Edwardo. Nagpaalam na rin kami.



"Wife.."

Napatigil ako sa paglalakad ng huminto din ito.

Tumingin ako dito at di ko na mapigilang yumakap sa kanya.

"Hindi ko alam kong magiging masaya ba ako dahil sa nagising na ang kaibigan ko.. pero.. pero iyong nangyari kanina.. wala siyang maalala.. hindi niya kami kilala.." umiiyak na sabi ko.

"Sshh. Don't be sad wife and please don't cry.." pagpapatahan nito. "Maybe he's in trauma.. everything will be okay. Ang mahalaga nagising na siya.. don't think too much..."

Pakiramdam ko kumalma ako sa mga sinabi nito.

Kumalas ako ng yakap dito at pinunasan ang mga luha ko. Tumango ako dito.











Kinabukasan agad akong bumalik ng hospital. Nabalitaan kong nagkaroon ng temporary amnesia ang kaibigan ko dahil daw sa nangyari. Wala rin naman daw problema sa pagsuri dito at babalik din daw ang alala nito.

Tinignan ko ang kaibigan ko. Kung kahapon, nagwawala ito, ngayon naman hindi ito kumikibo. Ang likot ng mga mata nito. Tuwing tatangkain naming kausapin ito, tinatalikuran niya kami.

"Conde.. tara kain tayo." nakangiting alok ko ng pagkain dito.

Tinitigan ako nito at mukhang inaalala nito kung sino ako.

Napakunot-noo ito at nagkamot ng ulo nito. Nginitian ko ito at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Sabi ng doktor huwag daw namin pilitin ipaalala kung sino kami o kung ano kami sa buhay nito.

"I felt I lost something.. someone.." bigla nitong sabi na ikinalingon ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang tao na nawala.. gusto kong maiyak pero pinigilan ko.

"Where's??? Sino nga ba??" nasa mukha nito na parang may gusto itong sabihin pero di nito maituloy-tuloy.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. Agad akong tumayo at lumabas.

Paano na kapag naalala na nito ang lahat? Paano nito tatanggapin ang pagkawala ng isa sa mga mahal nito? Ang pagkawala ng matalik nitong kaibigan... Paulo.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Where stories live. Discover now