Isa pa, yung komento kasi ni Migs na duwag ako ay hindi ko maialis sa utak ko. Gusto kong patunayan sa kanya na kahit nagsinungaling akong matapang ako at least maipapakita ko kay Migs na nagkakamali siya. I want to prove him wrong. Gusto kong kainin niya ang lahat ng sinabi niya.

Kaya before I knew it, naglalakad na ako papunta sa may puno ng mangga. Nag-iimagine lang ata ako pero I swear nakita kong nag-twitch ang labi ni Migs na tila pinipigilan niyang ngumiti. I glared at him habang nagko-cross arms.

Tinapik niya si Shasta sa may ilong. "Mabait naman si Shasta kapag mabait ka sa kanya. Kaso nga lang hindi siya nagpapahawak kung kani-kanino lang."

"Kanino lang siya nagpapaalaga?"

"Sa akin."

Hinihintay kong mag-enumerate pa siya pero iyon lang pala. "That's it? Sa'yo lang?"

Tumango siya. "Kabayo 'to ng Kakang Isko pero sa akin lang siya kumakalma. Pero hindi siya nagpapasakay kahit kanino. Kahit sa 'kin."

"Eh paano yung exercise niya? Diba kailangan niya no'n?" nag-aalala kong tanong.

"Iniiwan namin siya sa may bakod para magpatakbo-takbo doon," sagot niya patungkol doon sa riding pen kung saan, base sa pagkakaalam ko, ay nagbibigay sila ng riding lessons. Nang bitawan ni Migs si Shasta ay bigla itong nag-huff at pumadyak. Napaurong ako bigla, my heart racing fast. Lumalapit kasi siya sa akin. Buti na lang at bago pa siya tuluyang makalapit ay nahila na siya ng maikli niyang tali.

Nanatili akong nakatayo doon kasi baka mamaya kapag gumalaw ako ay maghuramentado siya bigla. Nakita ko kasi kung paano siya nagwala nung si Lolo ang nagha-handle sa kanya. Kahit nga huminga ay pinigilan kong gawin. Nakakainis naman 'to. Dalawang beses nang nangyari sa araw na ito ang mapatigil ako on the spot.

Nakaramdam ako ng movement sa likod ko. This time hindi na talaga ako humihinga. Ayokong may tao sa likod ko dahil iyon ang pinaka-vulnerable na estado para sa akin. Kapag nakatalikod ka kasi, hindi mo maaasahan ang mata mo na bantayan ka mula sa kung anong masamang nasa likod mo. You can never truly defend yourself because you wouldn't know what's coming after you. Ang magagawa mo lang ay to blindingly trust the person behind you. Sayang lang at wala akong pinagkakatiwalaan.

Kaya naman nang maramdaman ko ang mga kamay ni Migs sa balikat ko ay napatalon ako bigla, handa nang depensahan ang sarili ko. Pinisil niya naman ang balikat ko. "Relax. Pati kabayo matatakot sa'yo."

"Bitawan mo ako."

Imbis na sundin ako, hinaplos niya ang buong braso ko pababa hanggang hawakan niya ang mga kamay ko. Normally, sisigaw na ako. Nagulat nga ako sa naging reaksyon ko: goosebumps were forming on my skin. Ginabayan niya ang isa kong kamay at in-outstretch hanggang sa mahawakan ko ang nguso ni Shasta. Tinabig niya ito kaya agad kong binawi ang kamay ko pero pinigilan ni Migs.

"Ramdam kasi ni Shasta na natatakot ka. Pakalmahin mo muna ang sarili mo at titigan mo siya. Iparating mo sa tignin na iyon na hindi ka natatakot sa kanya," utos niya.

Paano ko papakalmahin ang sarili ko kung sobrang lapit niya sa akin? Pinikit ko ang mata ko at nag-concentrate. Hindi ko pinansin na sobrang sarap na halos nakayakap na sa akin si Migs. Hindi ko pinansin na nangingibabaw ang unique na amoy niya-woodsy, na amoy sabon na may hint ng amoy ng pawis. Hindi ko rin pinansin na ibinaba ko ang depensa ko enough to let him in.

Nang idinilat ko ang mga mata ko at hindi na ako nagulat na magka-eye-to-eye na kami ni Shasta. Sinunod ko ang payo ni Migs at hindi ko pinakawalan ang tingin sa kanya. Kusa ko na rin siyang nilapitan at hinaplos ang mukha niya mula sa ulo hanggang sa dulo ng nguso niya. Nang tingnan ko si Migs ay nag-thumbs up siya sa akin. "Kausapin mo rin. Kailangan mong kausapin para masanay sa boses mo."

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now