SMMMR 71 ~ Freedom

1.6K 57 19
                                    


David

"Pagpatak ng 10:00 ng gabi, buksan niyo yung bintana tapos may nakatali nang lubid dyan. Bumaba kayo gamit yun. Hihintayin ko kayo sa baba."

Huminga ako ng malalim nang maalala ko ang sinabi ko sa dalawa kanina. Oo, bukal sa loob ko na tulungan sila pero hindi ko sigurado kung talagang makakawala na sila dito. Natatakot ako na baka mahuli sila. Ayos lang na ako ang mahuli, wag lang sina Anilyn at Mich.

Napatingin naman ako sa relo ko at nakita kong 9:57 na. 3 minutes nalang at gagawin na nila ang sinabi ko. Aakyatin ko sila para maalis ko ang mga tali na nasa kamay nila.

Pero paakyat palang ako ay nakita ko nang papunta na rin sa taas si Cody.

Sht. Kailangan kong makagawa ng paraan.

"Cody!" Tawag ko rito at agad na tumakbo palapit sakanya at inakbayan.

"Bakit?"

"Samahan mo naman ako. Punta tayo ng 7/11 dyan sa kanto."

"Iche-check ko pa sina Mich--"

"Na-check ko na sila kanina. Tulog na sila. Ano, tara? Libre ko."

"Sige ba!"

Takte. Sana gumana tong plano ko.

"Kunin mo muna sa kwarto natin yung wallet ko. Hanapin mo nalang. Diko alam kung saan ko nailagay eh." Nagmamaang-maangan kong sabi.

"Sige. Hahanapin ko nalang."

Nang makaakyat sya ay agad akong lumabas at kita kong nasa baba na si Mich habang pababa na si Anilyn.

Pasimple ko siyang tinawag at sinenyasan na sa kabilang kanto dumaan dahil dadaan kami ni Cody sa dapat nilang dadaanan.

Tumango naman siya at napangiti ako. Finally, malaya na kayo.

Nang makababa si Anilyn ay napatingin sya saakin and she mouthed "thank you" bago sila tahimik na tumakas mula rito. Naka jacket naman sila na binigay ko kanina kaya hindi sila makikilala atsaka kanina pa tulog ang iba. Nilagyan ko ng pampatulog yung ininom nilang tubig.

"David! Wala naman dito!" Sigaw ni Cody mula sa taas.

"Ah! Andito pala sa ibabaw ng ref! Sorry Cody!" Sigaw ko pabalik kahit na kanina pa naman nasa bulsa ko yung wallet ko. Syempre, parte ng plano yun.

Bumaba naman siya na mukhang inis na inis kaya naman inakbayan ko siya. "Tsk. Halika na nga. Ililibre na kita." Sabi ko bago kami lumabas ng abandonadong building na to.

Habang naglalakad kami ay lumingon ako at nakita kong wala na sina Mich at Anilyn. Sa malamang ay nakalayo na yun.

Sana ligtas kayo. Sana.

Anilyn

"Buti nalang, alam mo tong lugar na to. Kung hindi baka naligaw tayo." Sabi ni Mich saakin habang nakasakay kami sa jeep na dadaan sa bahay nina Margarette.

"Buti nalang talaga. At buti pa kamo, binigyan tayo ng pera ni David. I was wondering, ano ang nag push sakanya para palayain tayo? Is this somehow their plan?" Pagdududa ni Mich kaya naman napaisip ako.

Pwedeng tama ang sinasabi niya pero malabo naman. Alangan namang ipapahamak ni David ang sarili niya para lang sa plan nila diba?

"Palagay ko naman hindi." Komento ko at saktong natatanaw ko na ang bahay nina Margarette.

"Para po!" Sigaw ni Mich kaya naman tumigil ang jeep.

Agad kaming bumaba at nang makababa na kami, agad kaming nag doorbell ina Margarette.

Maya maya pa ay lumabas si Tito, papa niya na mukhang nagulat.

"Mich? Anilyn?" Tanong nito saamin.

"Opo tito."

"Nako salamat at ligtas kayo!"

Nag mano muna kami at pinapasok niya na kami. Alam din kasi nila na na-kidnapp kami. Tinawag muna ni Tito si Margarette sa kwarto niya at halos maiyak kami nang marinig at makita namin si Margarette na umiiyak.

Dinamba niya kami ng yakap na tuluyan nang nakapag paiyak saaming dalawa ni Mich.

"Anong nangyari?" Tanong niya agad nang huminahon na siya sa pag-iyak.

Naunang nagkwento si Mich at sumunod naman ako. Ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Margarette nang mag-kwento kami.

"Sino bang kumidnap sainyo?" Seryoso niyang tanong.

Nagkatinginan muna kami ni Mich bago napayuko.

"Yung grupo nila Denver."

"ANO?! EH PAANO KAYO NAKATAKAS?!"

Kwinento na rin namin sakanya kung paano kami pinatakas ni David. Kagaya ni Mich, nagduda rin si Margarette sa ginawa ni David. Kesyo baka parte raw ba iyon ng plano.

"Parang hindi naman. Baka may nag-udyok lang talaga kay David na palayain kami at gawin ang tama." Pagtatanggol ko sakanya.

Ewan ko ba. Magaan ang pakiramdam ko dun. Parang may iba. Parang may pinagdadaanan siya. Parang hindi sya kasali sa grupo.

"Hay nako. Dito nalang muna kayo matulog. For sure, tinawagan na ni Mama yung mga magulang nyo na hanggang Mindanao na naghahanap. Tsaka imemessage ko nalang sa gc natin na nakawala kayo at nakatakas." Sabi niya bago kami umakyat ng kwarto niya.

Gaya nga ng sabi niya, minessage niya sa gc namin with Bangtan yung nangyari. Well, yung mga online palang ang nakaalam. Rustlene, Mhargot and Elle unnie.

Sabi nila ay pupunta sila dito bukas. Isasama nila ang Bangtan syempre dahil ayaw silang palabasin ng mga ito nang walang lalaking kasama. Mahirap na lalo na't isusunod na raw si Mhargot na kukunin which is alam kong hindi matutuloy.

"Tama na muna to. Tulog na tayo." Sabi ni Margarette habang pinapatay ang router ng wifi.

"Okay. Goodnight." Sabi ni Mich na halatang pagod.

"Goodnight."

Haaaay. This is a long day indeed. Thanks to David. Thanks.

~~~~

"ANILYYYYN! MIIIIIIICH!"

Natigil kami sa pag-kain ni Mich nang marinig ko ang mga boses na iyon. Lumingon kami at nakita kong nasa may pintuan na ang mga babaita. Tumayo naman kami ni Mich at niyakap sila.

"NAMISS KO KAYO."

"NYETANG MGA HAYOP YON!"

"SINAKTAN BA NILA KAYO?!"

"NAKAKAINIS SILA!"

Naiyak nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Akala ko, hindi ko na sila ulit makikita. Akala ko, hindi ko na sila ulit makakasama. Akala ko lang pala yun.

Kumalas na sila sa pagkakayakap at pinunasan na ang mga luha.

Sunod na pumasok si Taehyung na umiiyak na niyakap si Mich. Sunod ang iba pang members ng Bangtan at pang-huli, ang pag-asa ko, ang sunshine ko, ang mundo ko.

"Anilyn.."

Lumapit ako sakanya kaagad at niyakap siya ng mahigpit.

"I thought I've lost you. Sorry kung hindi kita na-protektahan. Sorry kung naging pabaya akong boyfriend. Sorry kung hinayaan kitang lumabas ng bahay ng mag-isa. Sorry kung--"

"Shhh..wala kang kasalanan, okay?"

Niyakap ko siya ulit.

"Mahal na mahal kita, Hoseok."

He kissed the top of my forehead.

"I love you too, Anilyn."

××××××××

Updateeeeeeee. Super busy ni otor ngayong July eh 💔 pasensya naaaaa. Sorry din kung sabaw ang update ahahhaha

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now