SMMMR 20~ Reject

3K 109 27
                                    


Rustlene

"Waaaaa! Rustleeeeene! Waaaaaaa!"

Napatigil naman ako sa pagsusulat nang marinig ko ang sigaw ni Anilyn.

"Oh? Problema mo?" I asked her. Mukhang gaga, tumatakbo habang sumisigaw ng ganun. Takas sa mental eh?

"Eeeeeeeeh kasiiii!" She exclaimed habang kinikilig pa. "KYAAAAAAH! OMG! OFFICIALLY DATING NA SILA DAHYUN AT VERNON!"

(A/N: hindi po totoong dating na sila. Mwehehehz. Imbento lang, OTP ko kasi sila sa Twice x Seventeen 😍)

I shot her a weird look atsaka bumalik nalang sa pagsusulat. "Akala ko naman, about sa Got7 bes." Bored kong sabi sakanya.

"Eh kahiiit na. Bigdeal sakin yun no, OTP ko sila eh! KYAAAAAAH!"

Tsk tsk. Malala na to, ang lakas na ng saltik!

"Ipapass ko lang to kay Mam ah? Sama ka?" Pag-aaya ko sakanya nang matapos ko na yung seatwork namin  na hindi ko natapos kanina. Hindi na nga ako nakapag-recess eh. Buti pa si Anilyn, natapos nang kumain. Buti pa sila Elle,Mich, Margarette, Mhargot at Mady, nasa canteen na. Ako? Hindi pa!

"Ayoko. Kakalakad ko lang bes. Kakapagod!" She exclaimed.

"Fine."

Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa Faculty Room kung saan andun si Mrs. Yu. Pero pagkarating ko doon,

"Ah, mam? Nasaan po si Mrs.Yu?" I asked one of the teachers.

"Ah. Nag-recess siya eh."

Kaya naman I decided na iwanan nalang sa table niya yung seatwork ko.

Pagkalabas ko ng Faculty Room, agad na akong nakaramdam ng gutom kaya naman napagdesisyunan kong pumunta na muna sa canteen. Baka andun pa sila Mich.

Pero habang naglalakad ako papunta doon, biglang may nagtakip ng mga mata ko. Putek, sino ba to?!

"Hoy! Sino ka--"

"Gusto mo ba ng libreng pagkain?" tanong nito sabay tanggal ng mga kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

"Jin?"

Nginitian niya lang ako at inulit ang tanong niya, "Sabi ko, gusto mo ba kako ng libreng pagkain?"

At dahil po gutom na talaga ako, hindi na uso saakin ang magpakipot.

"Sige ba!"

~~

"WOW! ANG DAMI!"

Yan na lamang ang nasabi ko pagkapunta namin dito sa may rooftop. Nakalatag ang isang picnic mat at sa ibabaw nito, maraming pagkain ang nakahanda.

May kimchi spaghetti, may sandwich, watermelon na na-cut na at may shake rin. Anong meron? Birthday ba neto? Eh sa pagkakaalam ko, sa December 4 pa ang birthday neto.

"Para sayo talaga yan, nagustuhan mo ba?"

Napatingin ako kaagad sakanya nang dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Saakin? Diko naman birthday." Pagbibiro ko.

"Alam kong hindi mo birthday, pero para sayo talaga yan." Pagpupumilit niya.

"Eh bakit nga saakin? Anong meron?" Tanong ko ulit.

Lumapit siya sa may picnic mat at umupo sa space na natitira doon saka ti-nap yung space sa tabi niya.

"You'll find out later. Kain muna tayo, lalamig na to."

Kaya no choice, umupo na ako sa tabi niya. Kinuhanan niya ako ng paper plate tsaka nilagyan niya yun ng kimchi spag at sandwich.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now