SMMMR 35~ Hobi is jealous

2.8K 93 6
                                    


Anilyn

"Wow! Ang aga ng dongsaeng ko ngayon ah! Anyare?"

Inirapan ko lang tong epal kong kuya tsaka dumiretso sa kusina para kumain na ng breakfast ko.
But unfortunately, wala akong breakfast na nadatnan.

"Oppa! Bakit walang pagkain?!" Sigaw ko mula sa kusina.

"Eh wala sila eomma at appa eh. May seminar sila, remember? Maaga silang umalis. Siguro, kaninang mga 4 pa." Sagot niya habang nakasandal sa may pader na naghihiwalay sa kusina at sala.

"Eh bakit di ka nagluto?!" Sumbat ko sakanya.

Bahagya naman niyang kinamot ang batok niya at nagkibit-balikat, "Tinatamad ako eh."

"AAAAAARGH! ANDREY OPPA NAMAN EH!"

~~~~

Ramdam na ramdam ko ang pagkalam mg sikmura ko nang makarating ako dito sa school.

Nakakainis kasi yung oppa kong panget, di man lang nagluto! Culinary Arts student tapos tinatamad magluto?! Hah! Bumagsak sana siya!

Agad akong dumiretso sa canteen para bumili ng kahit na isang doughnut at hot choco. Gutom na talaga ako!

Pagkarating ko doon, naabutan kong nag-aayos pa yung mga staff ng canteen. Talaga bang sobrang aga ko?

"Ah, Goodmorning po." Bati ko dun kay ate cashier. Ngumiti naman siya pabalik.

"Ah ate, isa nga pong vanilla doughnut tsaka hot choco."

Saglit kong hinintay yung order ko at nang makuha ko yun, umupo na muna ako sa isa sa mga tables sa canteen.

"Damn that oppa, ginutom ako." I murmured habang hinihipan yung hot choco ko. Oo, kaya kong gawin yun. Try niyo.

"Anilyn?"

"Ay kabayo!"

Agad kong nailayo yung hot choco ko at muntikan pa yun matapon.

"Hala! Mianhae! Mianhae!"

"O-okay lang."

Mygash. Halos mawalan naman ako ng hininga dahil sa sobrang lapit ng pagmumukha ni Hobi sa.. mukha ko! Gosh!

Bahagya naman siyang lumayo at umupo nalang sa tabi ko.

"Ah, bakit ka pala andito? Maaga pa ah." Tanong niya saakin.

"Ah." Ibinaba ko na muna yung hot choco ko. "Breakfast eh. Wala kasing pagkain sa bahay, hindi nagluto si oppa. Tapos sakto, maagang umalis sila eomma at appa. Eh tamad yung oppa ko eh, kaya ayun. Dito na ako kumain." Mahabang sagot ko.

"Ahh."

Wow ah. Sa hinaba-haba ng sinabi ko, ahh lang ang sasabihin netong kabayong to? Char!

"Ah Anilyn, prepared ka na ba para sa contest niyo ngayon?"

O.O

"Ha? Contest? Anong contest?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

Bahagya pa siyang napailing habang natatawa.

"Diba inannouce kahapon ni Mam na kayo ni Jin hyung ang sasama sa contest ngayon? Yung sa cooking?"

Holy fudge. OO PALA!

Agad akong napatayo at agad kong inubos yung hot choco ko.

"Andun na ba si Jin?"

Tumango siya habang naguguluhan. "Oo--"

Hindi ko na siya pinatapos. Tumakbo ako kaagad palabas at agad na pinuntahan si Jin sa classroom. Diko pa alam ang lulutuin namin!

Hingal na hingal naman akong nakarating sa classroom at agad na hinanap ng mata ko si Jin. I spotted him chatting with Namjoon.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now