SMMMR 23~ Last 4 months

2.8K 97 5
                                    


Mich

"Waaaaaa! Ahahahah! Tama na Taehyung! Ahahahaaaahahahahaha!"

Halos mapahiga na ako sa sahig at maiyak dahil sa ginagawa ni Taehyung.

Para na nga akong baliw kasi tumatawa ako habang naluluha. Tsk.

"Tama na-ahahahahhahahaa! Shet ka! Tama-ahahahahahahhaa!"

WAAAAA. AYOKO NA TALAGA. HUHUHU.

Kinikiliti lang naman po kasi ako ng isang Kim Taehyung! At grabe pala to mangiliti!

At sa wakas, tumigil rin. Nakng, napagod ako.

"Bwisit ka." Sabi ko sakanya habang hinahabol ko ang hininga ko at inaayos yung nagulo kong buhok.

"Sorry. Hihihihi." Tumatawa niyang sabi sabay peace sign pa. Ulol.

"Di kita bibigyan ng cookies na binake ko!" Sigaw ko habang tumatayo at isinusuot yung slippers ko.

"Eh di wag, basta kikilitiin uli kita." Pang-aasar niya kaya napapadyak nalang ako sa inis.

"Oh ano? Mamili ka." Nakangisi niyang dagdag.

"Fine! Basta wag mokong kikilitiin mamaya! Nakakainis!"

Sunod ko namang narinig ang pagtawa niya bago ako dumiretsong kusina at kunin sa oven yung mga binake kong cookies.

Andito kami ngayon sa bahay. Oo, kasama si Taehyung. Ewan ba at naisipan netong mag-sugod bahay ngayon. Tsk tsk, wala sigurong magawa sa buhay. Pasalamat siya, wala sila Mom and Dad ngayon. Maski si Elle.

Kanina pa kami nanonood ng movie dito sa bahay. Actually, kakatapos lang nung pinapanood namin na alien movie nang kilitiin niya ako. Inasar ko kasi na alien kaya ayun, napikon at kinikiliti ako. Ugh.

"Eto na oh." Sabi ko nang mailipat ko na sa plato yung mga cookies.

"Yes naman. Ahahaha!" Tawa nito at pumunta na dito sa may kitchen kasama ko. Agad siyang kumuha ng isang piraso ng cookie pero agad niya ring nabitawan kasi mainit.

"Aw!"

"Ayan kasi, ahahhaha!" Now, it's my turn to laugh. Pfft.

"Sige ka, tawanan mo lang ako Mich. Tawanan mo lang ako." Pagbabanta niya kaya naman tumigil na ako kaagad. Nakng, na-trauma na ata ako sa kiliti netong lalaking to. Tsk tsk.

"Fine, kumain ka na nga lang." Sabi ki bago kumuha sa ref ng dalawang coke in can.

"Wala ka bang strawberry drink diyan?" Tanong niya nang maiabot ko na sakanya yung coke in can.

"Meron. Milkis. Gusto mo?" Tanong ko.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya and I swear, mukha namaman po siyang bata.

"Oo. Ibalik mo na to oh." Sabi niya sabay abot nung coke in can.

Ibinalik ko na yun sa ref at kinuha ko nalang yung Milkis. Pagkaabot ko naman sakanya nun at para siyang batang binigyan ng candy.

"Thank you. Hihihi."

Binuksan niya na yun at agad na uminom. Parang bata talaga. Tsk tsk.

"Bat ka nga pala pumunta dito?" I asked as I bite from my cookie.

"Wala. Wala kasing magawa." Sagot niya habang busy sa pag-kain.

"Atsaka gusto kasi kitang makita. Masama ba?"

Natigilan ako nang bigla niyang sabihin yun. At take note, nakangisiya siya!

From childish to manly, real quick! Gosh, only Kim Taehyung can do that. Swear.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon