Chapter 41

1.5K 33 35
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas simula noong simulan ko ang ipinapagawa sa akin ni Creed na pag-iimbestiga sa isang taong pinaghihinalaan niyang may ginagawang hindi maganda sa secret agency namin. Pero sa ilang araw na iyon ay wala pa rin akong nakikita o napapansing kakaiba sa mga ikinikilos nito. Tatlong beses ko na siyang sinusundan sa mga lakad niya, pero wala rin namang kahina-hinala sa mga pinupuntahan niya tulad na lang sa isang restaurant na mag-isa lang siyang kumakain o kaya sa mall na mag-isa lang din siyang namimili.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na parang isang bodyguard lang ang role ko sa ginagawa ko ngayon. Kaya minsan ay kumukuha rin ako ng ibang mission na maaari kong gawin mula kay Jagger kaysa sa maasar lang ako sa taong sinusundan ko na baka wala naman talagang ginagawang masama gaya ng hinala ni Creed. Wala naman din sa usapan namin ni Creed na mamanmanan ko ito ng bente kwatro oras, lalo na at mahalaga rin sa akin ang makasama ko si Erika gaya ngayon na kailangan na naman niyang pumunta sa hospital namin para sa monthly checkup niya.

"Sweet, wake up." Sabi ko habang hinahawi ang buhok na tumabing sa mukha niya.

"Hmm??? Antok pa ko, Sweet."

"Di ba ngayon ulit ang check up mo?"

"Hmm??? Antok pa ko." Ulit na naman niya sa sinabi niya kaya hindi ko na maiwasang hindi matawa.

"Kung gusto mo, mamaya na lang tayo pumunta sa hospital para makatulog ka pa nang matagal." Suhestiyon ko sa kanya.

"Hmm???"

"Hahaha, o sige na, mamaya na nga lang." Sabi ko at tatayo na sana sa kama nang hawakan niya ang kamay ko.

"Sige na, ngayon na tayo umalis, kasi naalala ko nangako ka sa 'king magmo-malling tayo after ng check up ko, di ba?" Nakangiting sabi niya habang nakapikit pa rin.

Naipangako ko nga sa kanya iyon dahil alam kong gusto na rin niyang makalabas ng hideout sa ilang araw na pananatili niya rito nang walang masyadong ginagawa.

"Naalala ko nga rin iyon, pero syempre mas importante rin na kumpleto ang tulog----"

"Hep!" Nakataas ang kamay na sabi ni Erika sabay bangon sa kama. "Maliligo na ako, Sweet. Hindi pwedeng hindi matuloy ang lakad natin ngayon." Nagmamadali na rin siyang dumiretso sa banyo habang kinukusot pa ang mga mata niya.

"Teka, Sweet, dahan-dahan ka lang. 'Wag ka masyadong magmadali at hindi naman aalis ang mall."

"Mas maaga tayong makakapunta sa hospital mas maaga tayong makakarating sa mall."

Natatawang nilapitan ko siya sa loob ng banyo at hinalikan sa mga labi niya. "Basta mag-ingat ka diyan sa loob para hindi ka madulas. Bababa lang ako at titingnan ko kung may almusal na iniwan si Trixie para sa atin." This time ay siya naman ang natawa sa sinabi ko.

"Ayaw mo talagang ako na lang ang magluto, Sweet?"

"Iniisip ko lang talaga ang kapakanan ni baby, alam mo 'yan."

"Ahahaha, okay po. Pero mamaya mo na lang tignan kung may pagkain sa kusina. Gusto ko sana sabay tayong mali-----" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang magsimula na akong maghubad sa harapan niya at nakatulala na lang siya sa akin, kaya ako na rin ang nagtanggal ng mga suot niya kasama na ang undies niya.

Don't worry, guys, maliligo lang talaga kami kahit na pilitin pa ako ni Erika na may mangyari sa amin. Promise 'yan!

Erika's POV

Matapos kaming makaligo at makapagbihis ni Cyrus ay napagkasunduan naming bumili na lang ulit ng pagkain sa isang restaurant na madaraanan namin at kainin iyon habang nasa daan. Kaysa doon pa kami sa hospital namin mag-breakfast dahil pareho na talaga kaming gutom at mas lalong ginutom nang makita naming walang pagkain sa kusina.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: May 03, 2018 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Night Owl Assassin 2Kde žijí příběhy. Začni objevovat