Chapter 35

1.4K 36 7
                                    

Erika's POV

Kinabukasan habang nagbe-breakfast kami sa dining area kasama sila Jagger at Trixie ay daig pa namin ang nasa simbahan sa sobrang tahimik namin.

I tried to opened up a conversation pero wala man lang sa kanila ang nagsalita, at pare-pareho lang silang nakatingin sa mga plato nila even Cyrus who just smiled at me, so I ended up keeping my mouth shut.

Nagulat din kasi sila Jagger at Trixie nang dumating sila kagabi galing sa secret agency at sabihin sa kanila ni Cyrus na nandito na nga ulit si Clover sa hideout na maaga namang umakyat sa kwarto niya para magpahinga kaya ngayong umaga lang din sila nagkita-kita.

"So....Clover. You're back." Sabi ni Jagger na bahagya lang tumingin kay Clover at pagkatapos ay tumingin din sa akin kaya sinimangutan ko na siya.

Si Clover naman ay nagkibit-balikat lang bago niya itinuloy ang pagkain niya.

"May ibibigay akong mission sa 'yo ngayon. Tatanggapin mo ba, Clover?" Sa wakas ay maayos na sabi ni Jagger hindi kagaya kanina.

"Sure. I'm always ready for that."

"Good. Let's discuss it later." Tipid na sabi na naman ni Jagger at hindi na muling nagsalita pa.

Ano ba naman 'to? Sobrang awkward naman ng umaga namin at hindi na ako makakain nang maayos.

Napatingin ako kay Trixie nang itulak niya palayo sa kanya ang plato niya at bumuntong hininga nang malalim. "Guys, ang aga-aga ganito tayo sa hideout? Magkakaibigan tayo dito, di ba? Pwede bang iyon na lang ang isipin natin para maayos na ang lahat?" She said, then looked at Clover.

"Kung nagsisisi ka na nga sa nagawa mo, nagsisisi rin ako dahil sa inaakto ko ngayon na parang hindi tayo naging magkaibigan. Kaibigan kita, Clover, so welcome back." Sabi pa ni Trixie sa kanya bago ito nilapitan para yakapin.

Nakita ko namang napangiti na si Clover dahil sa ginawa ni Trixie at tinugon din niya ang yakap sa kanya nito.

Napangiti na rin ako nang lapitan na rin siya ni Jagger para tapikin si Clover sa balikat at sinabi ang salitang "Welcome back" din sa kanya.

Tanging si Cyrus lang ang hindi kumilos sa kinauupuan niya pero ganoon pa man ay nagawa pa rin niyang tanguhan si Clover kahit na seryoso pa rin ang mukha niya. Muntik ko na tuloy siyang mayakap dahil sa effort niya dahil alam kong galit pa rin siya dito dahil sa nangyari kay Mike.

"Ayan! Okay na kayong lahat. Sana ganito na lang palagi para masaya at para matunawan din tayo sa umaga." Sabi ko na sinang-ayunan nila at ikinatawa na rin nila. Nginitian naman ako ni Cyrus na tapos na ngayong kumain.

"Halos hindi ko na nga manguya 'yong kinakain ko sa sobrang tahimik natin eh, dahil nakakahiya naman kung maririnig ninyo ang pagnguya ko diba?" Sabi ni Jagger kahit may laman pa ang bibig niya.

"Hoy, hon! Ako ba eh niloloko mo? Anong sinasabi mo diyang hindi mo manguya 'yang kinakain mo eh pati nga pagkain ko sa plato kinuha mo na rin sa sobrang takaw mo."

"Ang lakas mo talagang kumain, pre. Buti na lang hindi ka tumataba." Umiiling na sabi ni Cyrus kasabay ng pagtayo niya. "Kukunin ko lang 'yong gamit mo sa taas, Sweet, para makaalis na tayo." Sabi niya sa akin.

"Okay. Don't forget my phone, sweet. Thank you." Sabi ko at hinalikan naman niya ako sa tuktok ng ulo ko.

Nakita ko namang napaiwas ng tingin sa amin si Clover na hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin.

"Clover, kailangan na rin pala naming umalis ni Trixie kaya isesend ko na lang sa iyo ang files na mission mo ngayon." Sabi ni Jagger na halos sabay lang sila ni Trixie nang tumayo sa upuan nila. Kinuna na rin niya ang cellphone niya para i-send ang files na kailangan ni Clover.

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon