Chapter 6

1.8K 44 6
                                    

Erika's POV

"Anak, gumising ka nga muna diyan. Talaga kang bata ka."

Nagising nalang ako ng may yumuyugyog sa braso ko at pagtingin ko ay si mama pala iyon.

"Ma, naman. Ang aga-aga pa ginigising niyo na ako eh."

"Eh kasi bakit ka ba dito natulog? Hindi ka ba kumportable doon sa kwarto niyo ni Erwin?"

"Ha? Nasaan ba.......huh?" Napatigil ako sa sasabihin ko ng makita kong nasa may sofa na pala ako nakatulog. Pero ang natatandaan ko ay wala naman akong kumot na dala dito kagabi.

"Thank you, ma, sa kumot." Sabi ko kay mama bago ako tumayo bitbit ang kumot.

"Ha? Ngayon lang ako bumaba dito sa sala at hindi ako ang nagkumot sayo niyan. Hindi ko naman alam kung saan kukuha niyan dito."

"Eh sino...?? Nevermind. Akyat na po ako sa taas. Tutulog ulit ako, ma, ha? Wag niyo na akong gisingin." Nakangiting sabi ko at balak na sanang umakyat ng hagdan ng marinig ko naman si Jagger habang kausap si Cyrus.

Cyrus....

Bakit ganon? Sa halip na masaktan kasi ako sa mga sinabi ni Cyrus sa akin kagabi iba naman ang nagiging reaksyon ng utak at katawan ko kapag nakikita ko siya.

Masaya parin ako at gustung-gusto ko parin siyang makita. Gusto ko din sana siyang hawakan at yakapin pero hindi pupwede dahil ayokong magalit siya sa akin.

"Sabi ni dad, kailangan na natin gawin ang mission natin dahil may ipapadala na naman si Mr. Uy na inosenteng mga babae sa Europe para ibenta sa mayayamang matandang lalaki. We should go right now at their place where the women's are being held para mailigtas din natin sila."

"I know...." Cyrus said frowning.

"You know? But you seem distracted! Kanina pa tayo magkausap Cyrus pero para kang lutang!"

And I noticed it, too, kaya hindi ko na napigilang makisali sa usapan nila.

"May mission kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila habang nakangiti pa pero parang lalo pa atang kumunot ang noo ni Cyrus ng mapansin niya ako. Si mama naman ay dumiretso na sa kusina para daw magluto ng breakfast.

"Yeah." Tipid na sagot sa akin ni Cyrus.

"Kayong dalawa lang?"

Imbis na sumagot ay tumungo lang sa'kin si Cyrus bago naglakad na papunta sa pinto at lumabas.

"Haayy!!! Kanina pa siya ganyan kaya pagpasensyahan mo na. May problema na naman ata kaya walang kwenta kausap."

"Eh paano yan, may mission kayo ngayon diba? Okay lang bang ganyan siya? Baka mapahamak siya?"

"Kaya niya yan. At saka, bakit siya lang inaalala mo? Hindi ka ba concern sakin? Crush mo siya noh?"

"Ha? Ano ka ba? Concern din ako sayo noh kasi kapatid kita at kahit ganyan ka. Mag-ingat kayo ha?" Sabi ko at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto namin ni Erwin para matulog ulit at para hindi na ako asarin ni Jagger kay Cyrus at baka mahalata pa niyang hindi ko lang crush si Cyrus kundi mas higit pa doon.

"Teka! Anong kahit ganito ako?"

"Edi baliw." Sabi ko na sinabayan ko pa ng tawa habang si Jagger ay nagsisisigaw sa baba dahil hindi daw siya baliw.

Sana naman ay walang mangyaring masama sa kanila at matapos nila ang mission nila ng maayos.

_________________

Cyrus' POV

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit siya nalang ang laman ng isip ko kagabi pa? Kapag may nangyari talagang hindi maganda sa mission namin ni Jagger siya talaga ang sisisihin ko at dapat niyang pagbayaran iyon. I will make her pay for it whether she like it or not.

Night Owl Assassin 2Where stories live. Discover now