Chapter 3

2.1K 41 1
                                    

"Anong.....???? Ginagawa mo.....???? Diyan....????" Tanong sa akin ni Katarina habang nanlalaki pa ang mga mata niya.

"I....slept here." Patay-malisya kong sabi at nagmamadali na akong dumiretso sa may hagdan para bumaba na sana pero nahawakan niya ang braso ko na nagpahinto sa akin.

"Erika, anong nangyari? Bakit magkasunod lang kayo ni Cyrus na lumabas sa kwarto niya? At kagaya mo, mukhang kakagising lang din niya."

"Katarina, walang nangyari, okay? Kung ano man yang iniisip mo kalimutan mo na yan. Bababa na ako."

"Pero, Erika-----"

"Please, Katarina? At sana wag mo nalang ding banggitin kila kuya ang nakita mo." Sabi ko at tuluyan na ngang bumaba ng hagdan.

Alam kong nakasunod lang sa akin si Erika kaya dumiretso agad ako kay Erwin para hindi na niya ako kulitin pa.

"Kambal! Okay ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Masakit lang ang braso ko but I'm okay. But you, you looked different."

What? Oh my goodness! Different in what way?

"Siyempre! Eh na-i-stress ako sa'yo dahil diyan sa tama mo ng baril. Diba kuya Reid?" Sabi ko nalang para malipat sa kanya ang usapan.

"What??? Kuya Reid?" Narinig kong tanong ni Cyrus kaya hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya.

So he really doesn't know who am I? He didn't know Reid's my brother? But.....if he's here, does that mean.....he's an assassin too?

"Oo, kapatid ko si Erika at pati narin si Erwin. They're twins actually. Hindi ba nila nasabi sa'yo?" Sagot sa kanya ni kuya.

"Hindi." Matipid na sagot ni Cyrus kaya nagpaliwanag na sa kanya si Jagger at sinabi na din niya na kapatid din namin siya dahil ang boss nila na si Black ay si Creed na ama din namin.

Habang ikinukwento ni Jagger ang mga nalaman namin ay hindi ko parin magawang tumingin kay Cyrus kaya hindi ko alam kung ano ang mga reaction niya sa lahat ng mga nalalaman din niya. Wala naman sigurong problema kung kapatid ko sila kuya Reid at Jagger diba?

Pero sa lahat ng sinabi ni Jagger ay hindi man lang siya nagsalita kahit isang beses. I wanted to see his face pero kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa mukha niya. Galit kaya siya? Please naman, hindi sana.

Napalingon nalang kami kila kuya at Katarina ng bigla nalang silang magtawanang dalawa.

Buti pa sila walang iniisip na problema. I hope I can be happy too just like them.

"Kuya Reid, pwede bang magpahinga muna ako? Kumikirot na naman kasi yung sugat ko sa braso." Narinig kong sabi ni Erwin. Pwede na siguro akong sumama sa kanya para makatakas ako sa walang imik na si Cyrus.

"O sige. Siyanga pala Erika, saang kwarto ka natulog kagabi para magkakasama muna kayo nila Erwin at mama doon at para mabantayan niyo na din siya?"

Oh my! Don't ask me about that!

Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko hanggang sa napalingon nalang ako kay Cyrus pero dahil parang wala siyang pakialam sa nangyayari ay nag-alibi nalang ako.

"Ah.... Doon sa pintong walang kulay. Napansin ko kasing iyon lang ang pintuang walang kulay kaya doon na ako natulog. Sakto kwarto din naman siya." Nagmamadali kong sabi kasabay ng pagpapaalam ko para magbanyo.

Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at walang lingon-lingon na umalis ako sa sala.

I hate to lie, pero ayokong magalit sila sa akin dahil sa ginawa ko. At alam kong madadamay si Cyrus kapag sinabi ko sa kanila ang totoo. I already care for him kaya ayoko siyang masaktan ng mga kapatid ko.

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon