Chapter 38

1.3K 26 3
                                    

Gabi na nang makauwi kami sa hideout ni Cyrus, at sobra akong nag-enjoy sa paglabas namin kahit na ba medyo napagod ako kakalakad namin sa mall. Pero mabuti na rin iyong makapaglakad-lakad ako para sa amin ni baby. At siyempre, hindi ko na naman napigilang bumili ng laruan para kay baby na hinahayaan lang ni Cyrus na gawin ko, lalo na at alam naman naming magagamit din niya iyon kapag tatlong taon na siya. Mabilis na lang din naman ang panahon di ba?

Nasa hideout na rin sila Jagger, Trixie at Clover nang makauwi kami kaya naramdaman ko kaagad ang pagbabago ng mood ni Cyrus nang makita niya si Clover. Pero hindi gaya niya ay nakangiti akong tumingin kay Clover na sinuklian din naman niya ng isang ngiti bago niya muling itinutok ang pansin niya sa pinapanood nilang balita sa TV.

Sa palagay ko ay hindi ako dapat magalit kay Clover. O kung galit man ako dahil sa ikinuwento ni Cyrus na hindi naman namin alam kung sinadya ba niya o hindi, dapat lang siguro na magpanggap na lang din ako na okay lang ang lahat katulad ng ginagawa niya ngayon na parang baliwala lang ang nangyari, para malaman ko rin eventually kung ano ba talaga ang intensiyon niya para kay Cyrus.

"Sweet, gusto mo bang doon na lang tayo sa kwarto natin? Alam kong pagod ka na at------" Napatigil si Cyrus sa pagsasalita niya nang tawagin siya ni Jagger na nakaupo pa rin sa sofa at kumakain ng popcorn na hawak ni Trixie.

"Nice one, pre! Tinawagan ako ni Midnight Blue kanina at sinabi niyang okay na raw ang mga bata at kasama na nila ngayon ang mga magulang nila. And that's because of you and Clover. Good job, guys!"

"Well...that's good. Good for them. But how about the woman? The only woman I saw there lying on a bed, and was also drugged just like the kids."

"Ah, her. She's one of the bad guys, actually."

"What? That's sucks. Naawa pa naman ako sa kanya."

"Yeah. That's life. At least she's in prison now."

"Tama ka, para meron din namang magbayad sa ginawa nilang pagdukot sa mga bata. I hope she'll rot in there for the rest of her life."

"Actually, she will, kasama na ang tatlong taong nag-utos sa kanila na kumidnap ng mga bata para ibenta sa ibang bansa. And they're a politician kaya ang lakas din ng loob na gumawa ng krimen dahil akala nila sila na ang batas dito sa atin."

"You mean, you already captured them?"

"Nope! We don't need to do that. Why? Dahil simula nang makausap nang matino ng mga pulis 'yong babaeng nakita mo sa safe house nila ay wala na siyang bukang bibig pa kundi ang pangalan ng tatlong politician na iyon. Kaya kahit na alam ko na rin naman na may kinalaman ang tatlong taong 'yon sa pag-kidnap sa mga bata bago pa i-confess ng babaeng iyon ang tungkol sa kanila ay ipinaubaya ko na lang iyon sa mga pulis. Pero kung tatangkain naman nilang tumakas, saka ako makikialam doon at sisiguruhin kong hindi na nila magagawa pang tumakas sa gagawin ko sa kanila."

"Oh, scary!" Kinikilabutang sabi ko habang nakatingin kay Jagger na nakakatakot na ang itsura dahil sa nanlilisik niyang mga mata. Ang hirap din pala talaga kapag ginalit mo ang isang assassin. Parang mas gugustuhin ko pang makakita na lang ng monster kaysa sa tingnan ko pa siya eh. Just looking at him was three times worse than looking at a monster.

"Argh, I forgot! Hindi mo dapat marinig ang tungkol sa ginagawa namin dahil baka marinig din ni baby sa tiyan mo." Sabi ni Jagger nang ma-realize niyang ako ang nagsalita.

"Ha? Pwede ba 'yon?" Singit ni Trixie.

"Aba! Hindi ko rin alam eh, hahahaha."

"Baliw talaga."

Napapailing na lang na tiningnan ni Cyrus ang dalawa bago niya ako hinarap.

"Halika na sa kwarto natin para makapagpahinga ka na, Sweet."

Night Owl Assassin 2Where stories live. Discover now