Chapter 22

1.4K 32 3
                                    

"What is wrong with you? Papatayin mo ang lahat ng tauhan niya kahit na si Thunder lang naman ang may kasalanan sa 'yo? We're not trained------"

"I am not an assassin anymore, and you know that! Sa harapan mo pa mismo ko iyon sinabi kaya huwag mong babanggitin sa akin ang tungkol diyan, and I'm different now because this bastard killed my friend by stabbing her multiple times too, just like I did to him. Wala akong nagawa dahil kasama ko ang pamilya ko at kailangan ko din silang ilayo doon kung ayaw kong pati sila ay mawala sa akin."

"I know your friend would be grateful to you for bringing justice to her death, but I also know that she wouldn't wish you to kill Thunder's minions too that's nothing to do with her death." I said while looking at her angry eyes.

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay kinuha ang isang dress na mukhang suot niya ng dumating siya dito na nakapatong sa isang upuan. Isinuot niya iyon at pagkatapos ay dumiretso sa may bintana at tumanaw sa labas noon.

"C'mon! We'd better get out of here." I told her when she remained standing near the window.

"Fine. Aalis na ako dito."

"Then, let's go."

"No. You go the same way you came in here and I'll go on my own."

"Clover-------"

"Pero bago ako umalis, gusto ko lang malaman kung ano ang ipinunta mo din dito."

"Thunder's one of the three assassins who killed Creed's friend."

"Hmmm, same reason as mine. But, did you say Creed? Si Boss Black?"

"He's retired. Jagger and Trixie are the new bosses now."

"Okay. I'd better get going."

"You can ride on my------"

"I have my own ride, and please don't follow me, Cyrus." Sabi ni Clover at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto kung nasaan kami.

Gustuhin ko mang sundan siya ay hindi ko na din ginawa dahil alam kong kagaya noong una ay wala din akong magagawa.

Sinulyapan ko muna si Thunder na halos hindi na makilala ang mukha dahil sa ginawa ni Clover bago ako lumabas na din doon. At kung paano nga ako pumunta sa lugar na iyon ay ganoon din ako umalis pabalik sa motorbike ko.

Bago ako umalis sa lugar na iyon ay may nahagip pa ang mata ko na isang sasakyan na palayo sa mansion ni Thunder. And I know it's Clover's car. Hindi man naging maganda ang pagkikita naming muli, atleast sinunod naman niya ang payo ko na huwag patayin ang mga taong wala namang kinalaman sa pagkamatay ng kaibigan niya.

Pagkaalis ko sa lugar na iyon ay hindi na ako umuwi pa sa hideout namin para dumiretso na ako kaagad sa tinitirhan ni Storm, ang isa sa tatlong assassin na inutusan para patayin si Evangelista.

Pero hindi pa man ako nakakarating sa bahay niya ay may tumawag naman sa cellphone ko na wala sana akong balak sagutin kung hindi lang siya paulit ulit na tumatawag.

"Hello!!!" I shouted at my phone, not bothering to look at the screen para alamin kung sino ang caller ko.

"Wow, scary!"

"Amethyst?" I said and stop at the side of the road.

"Yeah, yeah. Tumawag lang ako para sabihin sa iyong patay na si Storm."

"What? Paanong nangyari iyon? Not that I'm not happy------"

"Hahaha, I killed her."

"You did what?"

"Uso ba sa 'yo ang mabingi ngayon? Anyway, ang sabi mo kasi sa 'kin nung tinawagan mo ako kanina ay mission mo ang dalawang iyon. So, when I send you their files ay mabilis ko na ding inalam kung nasaan sila ngayon. And I found out that Storm was out on a restaurant and that she's all by herself, so I dressed up quickly and go there before she decided to leave."

Night Owl Assassin 2Where stories live. Discover now