Chapter 1

3.1K 60 2
                                    

Cyrus's POV

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko pagkatapos ng ginawa kong paglalasing simula pa kagabi ng magdesisyon si Clover na iwan na ang pagiging assassin niya para sa kaligtasan ng pamilya niya at umalis siya na parang pati ako ay iiwan na niya at makikipaghiwalay na din sa akin.

Pero hindi pwede. Hindi naman siguro niya magagawang kalimutan nalang ang mga pinagsamahan naming dalawa simula ng magtraining palang kami at maging assassin sa secret agency ni boss Black. Alam kong natatakot siya para sa pamilya niya dahil kay Hawk at hindi namin siya pwedeng pigilan sa pag-alis niya sa secret agency dahil karapatan niya iyon pero bakit pakiramdam ko pati ako ay iiwan niya para mailigtas ang pamilya niya? Sabi niya mahal niya ako pero iniwan niya parin ako ng walang kasiguraduhan kung kailan niya balak na bumalik at magpakita sa akin. At nasaan siya ngayon? Ni hindi ko alam kung saan niya dadalhin ang pamilya niya para hindi sila mahanap ni Hawk at hindi ko man lang makontak ang cellphone niya.

Argh!!! Lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip!

Naisipan kong lumabas ng kwarto ko at hanapin sila Jagger para manghingi ng gamot para sa sakit ng ulo pero mukhang wala sila dito sa hide-out, kaya aalis nalang din ako.

Nag-ayos ako ng sarili ko sa kabila ng pananakit ng ulo ko at umalis nalang basta sakay ng motor ko kahit na hindi ko alam kung saan ako pwedeng pumunta.

Sa Reckless bar? Pero mapapainom lang din ulit ako doon. Tama na ang isang magdamag na pag-inom dahil alam kong babalik din naman si Clover. Babalikan niya ako. Sana....

Nang makakita ako ng mall ay doon ko nalang naisipang pumunta dahil madami ang tao doon at baka sakaling madistract ako kakaisip sa nangyaring pag-alis ni Clover.

Pero pagkakataon nga naman! Bakit nagkalat ata ang mga lovebirds dito sa mall at mga magkaholding hands pa o kaya ay magkaakbayan. At yung iba naman ay nagawa ding maghalikan sa dami ng tao dito. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanila dahil ganoon din kami kasweet sa isa't isa ni Clover noon kahit na minsan ay nasasapak niya ako.

Sa asar ko dahil sa mga nakikita ko ay pinili ko nalang ding umalis sa lugar na iyon at magroadtrip nalang.

Gabi na ng maisipan kong umuwi ng bahay dahil na din sa pagod sa pag-upo sa motor ko.

Mukhang nakauwi na din sila Jagger base sa ilaw na nanggagaling sa loob ng hide-out.

"Pre! Saan ka ba nagpunta? Gabi na ah. Pinag-alala mo kami dito." Sabi agad sa akin ni Jagger ng madatnan ko sila ni Trixie kasama si Katarina sa sala at nanonood ng kung ano. Para naman akong babae kung mag-alala 'tong mokong na 'to.

"Pasensya na. Kung saan-saan ako nagpunta para libangin ang sarili ko at wag kayong mag-alala dahil hindi na ulit ako uminom ng alak pagkagising ko kanina." Sabi ko nalang para hindi na sila magtanong pa at para makaakyat na din ako sa kwarto ko pero nagsalitang muli si Jagger bago pa man ako makaalis.

"Alam mo na bang sinugod ng allies ni Hawk ang bahay nila Reid?"

"What? Okay lang ba sila? At nasaan na nga pala si Reid? Bakit hindi niyo siya kasama?" This time, ako naman ang nakaramdam ng pag-aalala para sa kaibigan ko.

"Okay lang sila pero yung isa niyang kapatid na si Erwin ay natamaan ng bala ng baril at nasa hospital natin sila ngayon. At saka nga pala, pre, si Clover----"

"Nandito ba siya?" Masayang tanong ko kaagad sa kanila ng marinig ko ang pangalan ni Clover.

"Wala, pero bago kasi sugudin ang bahay nila Reid ay ang bahay muna nila Clover ang sinugod nila at mismong si Hawk pa ang gumawa noon."

Ramdam kong parang bigla nalang akong namutla ng marinig ko ang sinabing iyon ni Jagger. Nag-iisip na sana akong puntahan ang bahay nila Clover nang magsalita siya ulit.

Night Owl Assassin 2Where stories live. Discover now