Chapter 29

1.6K 36 7
                                    

Bigla akong nagising kinaumagahan nang maramdaman kong wala na si Cyrus sa tabi ko kaya sa halip na matulog ulit ako ay bumangon na ako kaagad para hanapin siya. Pero pagbaba ko naman sa sala ay si Jagger lang ang nakita ko doon na nag-e-exercise.

"Morning, brother. Bakit dito ka nag-exercise?" Sabi ko sa kanya nang makababa ako ng hagdan.

"Morning din. Dito na lang ako kaysa naman makasama ko si Clover doon sa gym na nag-e-exercise rin."

"Oh bakit? Nagkagalit ba kayo?" Tanong ko sa kanya dahil matapos namin mag-ayos ni Cyrus ng mga gamit namin ay hindi ko na ulit nakita si Clover pagbaba namin sa sala kahapon hanggang sa mag-gabi na na ikinatuwa ko naman.

"Galit ako sa kanya nang hindi niya alam." He said and I frowned. "Dahil alam ko galit ka rin sa kanya dahil sa ginawa niyang paghalik kay Cyrus kahapon. Hindi na niya naisip na hindi magandang gawin niya iyon kahit nasa paligid ka man o wala dahil may past din sila ni Cyrus."

"Don't be mad at her, Jagger. She's still your friend."

"And you're my sister. Kahit na sino pa 'yan basta sinaktan ang pamilya ko hindi ako magdadalawang-isip na gumanti. Kaya kapag may ginawang hindi maganda si Clover sa 'yo sabihin mo lang agad sa akin ha? Ako'ng bahala sa 'yo."

"Thank you." Ang tanging nasabi ko lang sa kanya dahil maluha-luha na ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam na ganoon din pala ako kahalaga sa kanya.

"Ay oo nga pala, pinapasabi sa akin ni Cyrus sa 'yo na may pupuntahan lang daw siya saglit at babalik din daw siya kaagad. Baka raw kasi hanapin mo siya dahil tulog ka pa nga nang umalis siya."

"Oo nga, hinahanap ko nga siya. Nagising nga ako dahil wala siya sa tabi ko." Pagkasabi ko noon ay napatitig sa akin si Jagger.

"Are you really happy with him?"

"I am. And I love him so much." I said while smiling. "Alam mong hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit kailan kaya masaya ako dahil 'yong taong ibinigay sa akin ay ang taong gusto ko ring makasama hanggang sa pagtanda ko. Masaya ako kasi nangyari na 'yong hinihiling ko na matanggap niya kami ng baby namin. At masaya ako dahil nandiyan kayo para sumuporta sa aming dalawa kahit na ba binugbog ninyo siya."

"Sweet." Napalingon ako bigla nang marinig ko si Cyrus na kakauwi lang.

"Hey, good morning." Tuwang-tuwa ako kaagad nang makita ko siya lalo na nang lapitan niya ako at halikan sa pisngi ko.

"Good morning din. And I'm glad you're happy being with me because I am, too."

"You heard that?"

"Yeah. Halika na nga pala sa kwarto natin at doon tayo magbe-breakfast." Yaya niya sa akin at saka ko lang napansin na pagkain pala ang mga bitbit niya.

"Teka lang naman, nasaan na 'yong pinabili ko ring pagkain?" Tanong ni Jagger na mukhang tapos na rin sa pag-e-exercise niya.

Iniabot naman sa kanya ni Cyrus ang isa sa mga bitbit niya saka ako inalalayan paakyat ng hagdan.

"Where have you been?" I asked Cyrus habang inilalapag niya sa kama ang mga pagkaing binili niya which is chinese food.

"I bought you breakfast." Nakangiting sabi niya at umupo na sa tabi ko sa kama.

"Oh, sweet!"

Nagsimula na kaming kumain habang pinag-uusapan na rin ang mga gagawin namin ngayong araw gaya nang pagbili ng iba pang mga gamit para kay baby. At ang pagpapaayos sa bahay ni Cyrus para sa magiging kwarto rin ni baby.

One and a half month na lang ay manganganak na si Katarina at ako naman ang susunod sa kanya. At pagkatapos noon ay ang kasal naman namin ni Cyrus na kailangan din naming paghandaan.

Night Owl Assassin 2Where stories live. Discover now