Chapter 16

1.6K 37 9
                                    

That night, I went to see James at his room where papa and mama were staying whenever they're here at ako naman ay doon parin sa kwarto kung saan kami nag-stay ni Erwin. Sinabi ko sa kanya na kahit anong sabihin o gawin ko bukas ng umaga ay sang-ayunan nalang niya at huwag ng magtanong pa ng kung ano. Simula kasi ng umalis si papa kanina ay hindi na lumabas si Cyrus sa kwarto niya at kahit na dumating din si Erwin bitbit ang mga gamit ko ay hindi parin siya bumaba. And until now, while me and James are at the dining, eating our dinner, ay hindi parin siya bumababa at nandodoon lang sa kwarto niya. Hmp! Bakit kasi may mini ref siya sa kwarto niya eh. Talagang hindi iyon magugutom! So I ended up thinking what to do tomorrow to make him be with me without him having a choice.

"Ano ba ang balak mong gawin bukas, Erika?"

"Gusto kong masolo si Cyrus."

"Ang tanong, gusto din ba niya?" Tanong pa ni James kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Why do you have to do this, Erika? Bakit ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong obvious namang hindi ka gusto?"

"Because I love him. Isn't that enough?"

"You're willing to do everything you can because you want him to love you back. Pero bakit ako, gagawin ko naman ang gusto mong mangyari para sa inyo ng taong mahal mo dahil mahal din kita. At kahit ako pa ang maging tulay ninyo sa isa't isa ay gagawin ko para sa'yo, because that is love for me by letting you go. Gusto kong makita kang masaya kaya kahit masakit tutulungan kitang gawin ang mga paraang gusto mo para mahalin ka din niya."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa mga sinabi niya at mabilis akong tumayo para lapitan si James at yakapin siya ng mahigpit.

"Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita James. I'm sorry."

"Hahaha, no worries, Erika. Kasalanan ko naman dahil college palang tayo ay sinabi mo na agad sa akin na ayaw mong magpaligaw sa akin. Doon palang alam ko na na wala kang nararamdaman para sa akin at kasalanan ko dahil umasa parin ako kahit humindi ka na."

"Ibig din bang sabihin niyan ay mali na umasa din ako na magiging kami pa ni Cyrus?"

"Huh? No, Erika. If you think you two can be good and happy together then do what you think you must do. I'm not going to stop you, and whatever happens, be proud that you tried to follow your heart instead of wondering of what ifs. Got that?"

"Yeah, and thank you, James. I'm glad you're my friend." I said while still hugging him.

"Ouch, just a friend! Hahaha kidding. But yeah, I'm glad, too." Sabi naman niya at hinigpitan pang lalo ang yakap niya sa akin pero hindi sa paraang maiipit na ang baby ko. He even kissed my forehead before he let go of me.

"I'm glad that you two are getting along with each other. You look good together."

Oh my, Cyrus! Hindi naman niya sana narinig ang pinag-usapan namin ni James.

"Cyrus! It's not what you think." Gulat na sabi ko sa kanya habang siya ay nakapamulsa lang sa suot niyang shorts at nakangisi sa direksyon ko.

"Yeah, we looked good together, thanks for reminding us." Said James and I glared at him.

"Tss!" Tanging reaction ni Cyrus bago niya binuksan ang ref at inilabas ang isang buong cake na naroon para dalhin pabalik sa kwarto niya.

Galit na nilingon ko naman si James na nakatayo lang din at parang masaya pa sa nangyayari.

"What the hell, James? Kanina lang nag-usap na tayo at sinabi mong tutulungan mo ako kay Cyrus pero ikaw pa itong-------"

"Erika, relax. Didn't you saw his face? His reaction when I seconded what he said that we're together? I'm making him jealous to know if what you're doing for him is all worth it, and that's what I saw on his face."

Night Owl Assassin 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ