Chapter 43: Feelings

Start from the beginning
                                    

Pumunta ako sa part na medyo mahangin. At least, gumaan pakiramdam ko mula sa kay daming haka-hakang bumabagabag sa isipan ko.

“Akala ko magsi-CR ka lang? Eh bat napunta ka dito?” Nagulat na lamang ako nang biglang may magsalita sa likod ko.

“Oh, Joseph. Nagpahangin lang ako” Katwiran ko.

“Hahahaha. Ganun?” Lumapit siya sakin.

“Sa tingin mo napatawad na ako ni Tito?” Bigla kong naitanong sa kanya.

“Tingin ko oo, nakikipagtawanan na nga siya dun sa bayaw mo pero malay natin, baka  bumalik na naman siya sa dati mamayang uwian” Sabi niya.

“Eeeeh! Tinatakot mo naman ako eh!” At ang loko, tawanan ba naman ako?

“Ikaw kasi..” Mahina niyang sabi pero narinig ko naman.

“Anong ako?” Pinagsasasabi nito?

“Ikaw kasi, nagpakasal ka kaagad”  Ako? Speechless. Ayoko na magsalita.

“Oh bakit hindi ka dyan makapagsalita?” Tanong niya.

“Che! Ikaw talaga” Tumawa na lang siya at ginulo ang buhok ko.

“Nga pala, yung ex-boyfriend mo bigatin na. Nagkita kami last week, pinapakamusta ka” Bigla niyang sabi. Aba naman, nag-oopen bigla ng kung anu-anong topic.

“Ah okay” Yun na lang ang sinabi ko.

“Yun lang sasabihin mo?” Ano ba ang dapat maging reaction ko?

“Bakit, ano ba ang dapat kong sabihin?” Tiningnan niya lang ako ng may pagdududa.

“Eto naman. Nangangamusta lang yung tao” Tumawa na lang ako.

“Eh di pagnagkita ulit kayo sabihin mo okay lang ako” Umiling-iling na lang siya.

“Sa tingin mo mahal ka pa non?” Nakakatawa naman tong mga tanong niya.

“Aba’y di ko alam. Siya nga yung nakipagbreak sakin” Actually, wala na yun sakin. Kinalimutan ko na nga yun eh. He’s just a part of my past.

“Hay, bahala ka. Mauna na ko sa loob, baka hinahanap na ako ni Tito. Hindi ka pa ba sasama sakin?” Tanong niya.

“Ah hindi na. Papasok na rin ako mamaya” Gusto ko pang magstay dito sa labas. Mahangin kasi. Ang sarap sa pakiramdam.

Umalis na rin kaagad si Joseph samantalang ako ay nag-paiwan.

“May naging boyfriend ka na pala?” Napataas na lang ang isang kilay ko nang marinig ko ang boses na iyon at pagtingin ko sa katabi ko, nakatayo roon si Charles na titig na titig sa akin.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now