Sinapak ko ulit siya at narinig ko na lang bigla ang pagbukas ng pinto.

“Don’t ever say that again, Lee! I don’t fucking care who you are! I’m gonna kill you. I swear I’m gonna kill you if you ever say that again!”

“Shut up, Perez!” narinig kong sigaw ng isang lalaki habang hinihila ako palabas ng dalawa pa.

Paglingon ko, nakita ko na si Robert yung sumisigaw sa akin. Si Jennifer naman, tinutulungang tumayo si Vincent. Nilabas ako ni Andrew at ng isang nurse mula sa hospital room.

“Paps, tama na,” kalmadong sabi sa akin ni Andrew.

Tinulak tulak ko si Andrew pati yung nurse para bitawan na nila ako.

“Sir,” sabi sa akin nung nurse. “Wala na pong pakialam ang management kung kayo si Blake Perez. You have to exit the building. Right—“

Knwelyuhan ko yung nurse. “Gago ka ba?! Sino ka para sabihan ako ng ganyan?! Ha?! Kila—“

Sinapak ako bigla ni Andrew. Binalik niya ang matalim kong tingin sa kanya. “Tara na!” sigaw niya sa akin habang hila hila ako.

Nagpahila na lang ako sa kanya dahil wala ana akong lakas para makipagtalo pa. Paglabas naming sa parking lot, napansin ko na gabi na.

Shit. Kumain na kaya si Nicolle? Asan na kaya siya?

“Paps,” tawag ko kay Andrew pagpasok namin sa sasakyan niya. Binigyan niya ako ng maraming tissue para punasan yung dugo sa kamay at mukha ko. Binigyan niya din ako ng salamin. Pagkakita ko sa mukha ko… damn, I look worse than I think.

Punung puno ng pasa ang mukha ko. Ilang tao ba ang nakasuntukan ko ngayong araw na to?

Tumawa ako ng malakas. “Walang wala, Paps,” sabi ko. “Tuldok lang tong mga pasa na to.”

Tumawa pa ako ng mas malakas. Tapos bigla na lang akong natahimik. Sinandal ko yung ulo ko sa backrest ng passenger seat tapos pumikit.

Pinantakip ko ang braso ko sa mga mata ko. Ayoko. Bullshit, ayokong umiyak kase wala namang magagawa ang pag-iyak eh. Pero wala din naman akong magawa ngayon para makontrol ang emosyon ko. Pinipilit ko ng kalimutan yung mga sinabi sa akin ni Nicolle pero wala eh… nagpapa-ikot ikot sa utak kong bulok.

“Leave me alone!”

“Get out of my life.”

“I’m sorry that I ever met you. Hell! I’m so goddamn sorry that I ever trusted you… that I loved you. Blake, to me, you’re dead now. Leave me fucking alone. I don’t want to see you again.”

Her words are the constant reminder of my fucking stupidity.

Her words are the constant reminder of the pain I caused her.

Shit.

Hindi ko na talaga maintindihan. Parang pinaglalaruan na lang kaming dalawa eh. Ang labo talaga! Sobra. Bakit ganun?! Mahal ko naman siya. Sobra. Pero bakit wala na siya ngayon?

Ah… oo nga pala, kase nagsinungaling ako sa kanya.

Pinilit kong pigilan tong mga lintik na tubig na tumutulo mula sa mga mata ko. Sumasakit na ang ulo ko. Gusto ng magpahinga ng katawan ko dahil sa pagod… pero hindi ang utak ko.

Kasi iniisip ko si Nicolle ngayon. Nasaan na siya? Kumusta na siya? Anong ginagawa niya? Ayos lang ba siya?

Iniisip niya kaya ako?

Umiiyak din ba siya?

Naaalala niya pa ba ako?

O pilit na niya akong kinakalimutan?

“Sorry, Nicolle, sorry…” Huminga ako ng malalim habang patuloy na umiiyak. I just hope naririnig niya ako ngayon… I just hope nakikita niya kung gaano ako nahihirapan ngayon.

“She needs space,” narinig kong sabi ni Andrew. “Kilala ko si Matthew, Blake. Hindi niya sasaktan si Nicolle. If anything, maybe he’ll talk some sense to her. Alam mo yon.”

“Sorry, Nicolle, sorry… sorry, sorry. Sorry.”

“Hindi ganun kasamang tao si Matthew. Galit lang siya sayo… pero hindi niya sasaktan si Nicolle. She’s safe.”

Tinanggal ko ang braso ko mula sa pagtakip sa mga mata ko at bumaba ng kotse ni Andrew. Mabagal akong naglalakad habang patuloy na sinasabi ang mga salitang, “Sorry, Nicolle. Sorry. Sorry. Sorry.”

Napaupo na lang ako bigla sa sahig. May paparating na sasakyan. Pero hindi ako umalis sa gitna ng parking lot kung saan ako nakaupo. Muntik na akong masagasaan pero hindi pa din ako gumagalaw. I’m okay. I’m okay kahit na masagaasaan oa ako.

I’m okay… but I’m not.

***

“Why am I here?” tanong ko kay Krungy na nakaupo sa tabi ng kama ko. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. I don’t remember going home. Ang naaalala ko lang ay nakaupo ako sa gitna ng parking lot. Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon.

Umupo ako sa kama and I squinted. Napansin ko na namumula ang mga mata at pati ang ilong niya. “You okay?” tanong ko sa kanya. “Umiiyak ka ba?”

Umiling siya. I rolled my eyes at ngumiti sa kanya. “I missed you,” sabi niya sa akin at sabay yakap sa akin.

Since I badly needed someone to hug me, I hugged her back. “I’m sorry about Nicolle,” sabi niya. I buried my face on her shoulder.

“I’m sorry about Luke,” sagot ko sa kanya.

We both chuckled.

Pareho pala kaming nasasaktan ngayon. Nakakatawa namang isipin yon. Para kaming tanga dito. Nagsasalo sa sakit. After ng ilang minuto ng katahimikan at pagyayakapan, bumitaw na kami. “Kukuha lang ako ng tubig,” sabi ko sa kanya sabay tayo.

Palabas na ako ng kwarto ko nang tawagin niya ako.

Pagkalingon ko, nasa likod ko na agad siya. Nakangiti niyang sinabing, “Matt’s a good guy, Blake. I’m sure Nicolle will be okay with him.”

Tumingin ako sa baba.

“He’s a good guy, I swear. You can trust him.”

I smirked. “Let’s not talk about it, alright?”

Tumango siya. Ginulo ko ang buhok niya at lumabas na ng pinto pero bigla niya ulit akong tinawag. Pagkabukas ko ng pinto, bigla niya akong niyakap at umiyak siya ng umiyak.

“Can I cry?” tanong niya sa akin.

I started stroking her back. Alam kong nasasaktan din si Krungy.  Right now, we needed each other.

“Yeah,” sagot ko.

“I didn’t want to break up with Luke, I swear. Ayoko. Blake, ayoko.”

Nararamdaman kong basa na ang t-shirt ko sa mga luha niya.

“I love him, Blake. I still do. But—“

“Stop talking,” sabi ko sa kanya. “Basta umiyak ka lang. Umiyak ka lang, Krungy. Wag ka ng magsalita.”

She stopped talking and before I knew it, I started crying, too

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now