Side Story: CHAPTER 50

239 2 0
                                    

Side Story

CHAPTER 50

LUKE'S POV

December 25  9:30 PM

Habang nakasalumbaba ako, tinititigan ko lang si Krungy na nasa tapat ko sa mesa. Ngayon pa lang kami nagdi-dinner dahil kakalabas lang nina Blake at Nicolle mula sa kwarto. Ewan ko lang kung anong ginawa nila don. 

"Paps, hindi ka ba kakain?" tanong sa akin ni Andrew. 

"Ang sarap pa naman ng luto ni Zelle!" sigaw pa ni Blake. 

Hinarap ko lang si Krungy na tahimik na kumakain. "Paano ako kakain kung ganyan ka?" tanong ko sa kanya. 

Inalis ko ang kamay ko mula sa baba ko at huminga ng malalim. Hindi niya ako pinansin at napansn kong nanahimik ang lahat. Sumandal ako sa upuan at nag-cross arms. "Krungy," tawag ko na medyo naiinis. 

Hindi niya pa din ako pinapansin. "Krungy." 

Patuloy lang siya sa pagkain. 

"Damn it!" sigaw ko. "Samantha!" 

Nagulat siguro siya kaya nabitawan niya yung basong hawak niya at nabasag. Tumayo ako at pumunta sa tabi niya. Pupulutin ko na sana niya ang mga bubog pero hinawakan ko ang balikat niya at sinabing, "I got it."

Yumuko ako para pulutin ang mga bubog. Napatigil ako ng maradaman na umalis siya. Shit. Ngayon nga lang ako nagcelebrate ng Pasko, ganito pa?! Goddamn it!

Tinigilan ko ang pagpulot ng bubog. "Please," sabi ko kay Blake. "Kelangan ko lang-"

"Sige na!" sigaw ni Blak sa akin habang tumatango. 

Tumango ako at hinabol si Krungy. Nakita kong kinuha niya ang bag niya at lumabas ng unit nina Nicolle. 

"Krungy!" tawag ko habang hinahabol siya.

Mabagal lang siyang tumatakbo kaya naabutan ko siya sa labas ng building. Sa may gitna pa nga ng daan eh. Hinawakan ko ang braso niya kaya siya napatigil. "Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko pero hindi niya ako hinaharap. 

She was looking away from me at nakikita ko sa pagtaas-baba ng baliakat niya na umiiyak siya. I slid my hand down her arm to hold hers. Pero binitawan niya lang ito. 

"I'm sorry," narinig kong sabi niya. Her voice was husky.

Hinawakan ko ang braso niya at bigla siyang hinila papunta sa akin. I don't care kung nasa gitna kami ng daan. Kung kailangan niya ng yakap ko, yayakapin ko siya.

Hinahaplos haplos ko ang likod ng ulo niya habang sinasabing,, "Pagka hindi ka tumigil sa pag-iyak, hihigpitan ko ang yakap ko sa'yo. And I know how much you hate me touching you."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at ipinatong ang ulo ko sa ulo niya. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Gusto ko siyang tumigil na kaya nag-imbento ako ng tono at kumanta:

Krungy, 'wag ka ng umiyaaaaak~

Tumutulo na ang sipon mo Woaaah!

Basang basa na ang t-shirt ko Woaaaah!

Krungy, wag ka ng umiyaaaak~

Birthday mo pa naman bukaaas~

Woaaah!

Baka ka pumangiiit~

Eh pangit ka na ngaaaa~

Woaaaah!

Krungy, 'wag ka ng umiyaaaak~

Napatigil ako at napangiti habang hininaan ang boses ko.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now