CHAPTER 35

319 3 0
                                    

CHAPTER 35

BLAKE'S POV

When you’re too in love to let it go. Could it be worse?

Tinanong ko siya kung mahal niya pa ako, ang sabi niya hindi. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit. Sinabi niya lang na hindi na niya ako mahal.

Hindi ako makagalaw. Iniwan niya ako ng ganun lang.

I was so damaged.

She was the only one who could do this to me.

Napaupo ako sa kinatatayuan ko at napayuko. Hindi ko kaya. Pero kailangan kong tanggapin na hindi na siya ang Nicolle na nagmamahal sa akin. Hindi na ako ang mahal niya.

Napalingon ako kung saan siya naglalakad palabas.

"No," sabi ko sa sarili ko habang pinapanod siyang lumabas.

Watching her walk away from me; watching her walk away from my life… and she had a choice to stay.

But she didn’t fucking stay!

Tumawa ako. Tumawa lang ako hanggang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"The fuck?!" sigaw ko.

Tumayo ako at nagwala. Tinaob ko ang coffee tale kaya nabasag ang mga tasa at pati yung vase. Lahat ng nakikita ko, hinagis at binasag ko. Wala na akong pakialam kung iisipin ng iba na baliw na ako. Shit, baka nga baliw na ako! Lalo akong tumawa. Hindi ko alam kung baliw ako o sobrang nasasaktan lang.

"Blake!"

Napatingin ako kay Krungy na tumatakbo pababa ng hagdan. Napatingin din ako sa tatlong maids namin na nakatingin sakin na gulat na gulat. Napatigil si Krungy nang makita niya ang nangyari sa living room namin. Tumingin siya sa paligid niya na gulat na gulat.  

Ibinaling ko ang paningin ko sa tatlong maid. "Bakit?!" sigaw ko sa kanila. Napaaatras sila ng konti.

Lumapit si Krungy sakin ng dahan dahan at hinawakan ang braso ko.

"Blake, calm down."

Tumingin ako sa kanya and for the first time, nakakita ako ng takot sa mga mata niya. And I felt sorry for her. Hindi ko dapat ‘to ginagawa sa kanya. May condition si Krungy. Hindi ko dapat siya tinatakot.

Niyakap ko siya. "I'm sorry," bulong ko. "Samantha, hindi ko na talaga kaya. I can’t take it anymore. It’s just so painful. It’s just so… I want to die. I have nothing to live for. She’s gone, Samantha. She’s fucking gone!”

“Sshhh,” sabi niya habang yakap yakap niya ako. “Come on, Blake. Don’t say that.”

“I don’t know. Samantha, I loved her so much. And I still do. I never loved anyone like this. I love her so much it hurts. Samantha. Mahal ko siya. Sobra. Hindi ko kaya…”

Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko. I don’t care. I don’t fucking care how I look right now. It’s hurting a lot.

She let go of me. Tumango siya at lumayo sakin.

"Go," sabi niya. "We'll clean this up."

Huminga ako ng malalim at tumakbo palabas. I need to talk to her. Hindi pwedeng ganito na lang ang mangyari sa’min. We can't end up like this. Tumakbo ako palabas ng nakapaa. Tumakbo ako palabas ng sumisigaw. Tumakbo ako palabas ng umiiyak. I'm getting her back.

EVERYTHING'S NOT OVER.

EVERYTHING'S NOT OVER.

Nagblur ang paningin ko. Paulit ulit kong pinupunasan ang mga mata ko. Paulit ulit ding namumuo ang mga luha ko. Then I saw her. Mabagal siyang naglalakad. Napatigil ako ng makita siyang napaupo sa daan. I was thankful na walang dumadaang sasakyan papunta sa amin. I was thankful na walang makakakita sa kanya ng ganito. Nang nanghihina siya.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now