CHAPTER 58

154 3 0
                                    

CHAPTER 58

Blake’s POV

Tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko. Kung saan saan na ako napupunta. Lahat na ng kwarto nabuksan ko na. Lahat na ng tao pinagtinginan ako. Pati si Luke ganun din ang ginagawa. Naghihiwalay na kaming lahat pero wala pa ding nakakakita kay Nicolle.

Alam  ko nandito lang siya. Hindi yon aalis. Hindi. Hindi pwede. Hindi niya ako iiwan. I have to find her. Tell her I need her. Ask her for another chance. And I swear I won’t blow it again.

“Paps!” sigaw ko kay Luke nang tumigil siya. Nakatingin siya sa isang hallway.

“Sa—Samantha,” nanghihina niyang sabi. “It’s Samantha.”

Napatingin ako kung saan siya tumitingin. Napatigil din ako nang makita si Nicolle, kasama si Krungy… at si… si Matthew?!

“Nicolle!” tawag ko sabay takbo ng mabilis. Naririnig ko ang pagtakbo ni Luke.

“Nicolle!” sigaw ko ulit.

This time, lumingon na siya. Pagkakita sa akin ni Matthew, nag-smirk siya. Tumigil na sa pagtakbo si Luke. Ako din. Tumigil na ako sa pagtakbo at hinarap si Nicolle. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan. Hell, hindi ko nga alam kung nagtagal eh.

Nanginig ang tuhod ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Sobrang galit. Goddamn it!

Why didn’t I follow my guts back then? Edi sana napatawad na ako ni Nicolle. O kung hindi man niya ako patawarin… at least hindi na ganitong klase ng sakit ang nararamdaman niya ngayon. Pinagkatiwalaan niya ako. But because of my freaking stupidity, because I’m a freaking coward—because I couldn’t lose her back then… now, I think I would lose her forever..

And I don’t know how to get her back. I don’t. With the nasty glances she gives me… I don’t think she will be able to forgive me.

Tumingin siya sa baba. I bet ayaw na niya akong makita dahil sa kagaguhan ko. Siguro para sa kanya totoong monster na ako.

Tumingin ako kay Matthew pero hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Luke. Malamang nakatulala lang si Luke kay Samantha.

Biglang tumakbo palayo si Samantha at naiwan kaming apat doon.

“Nicolle!” sigaw ko. Ang pagsigaw ko na lang ang narinig sa buong hallway. I don’t care kung anong isipin ng mga tao ngayon.

Isipin na nilang baliw ako, wala na akong pakialam.

“Nicolle, please. Please. Just let me explain. Goddamn, Nicolle! Tumingin ka sa akin. Anong gagawin ko para mapatawad mo ako? Please, Nicolle, sumagot ka! Shit, Nicolle! Hindi ko ginustong magsinungaling sayo but I had to do it because I’m too afraid. For a very long time, I was so afraid that you would drive me away. I was thinking about myself. About our relationship. I forgot to think about you and how you’re gonna feel about all this mess. I’m sorry, Nicolle. Please. Shit Nicolle! Tumingin ka sa akin!”

Alam kong wala akong karapatan para sigawan siya because I'm a big part of this mess... pero hindi ko na alam kung paano ang tamang pagsasalita. Not now.

Patuloy lang ang pagtingin niya sa baba at pagtakip sa bibig niya. Tumingin ako sa taas at naglakad palapit sa kanya.

I looked at her.

Kinuha ko ang magkabilang braso niya para patinginin siya sa akin. “Nicolle! Tignan mo ako. Pakinggan mo ako, Nicolle! Nagmamakaawa ako. Please. Please. Makinig ka sa akin. I know I’m an asshole but please—“ hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla niya akong tinulak.

Officially Blake'sNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ