Chapter Twelve - MTMHML

10.5K 162 4
                                    

Stephanie

Sam just left after having a few drinks with Lawrenz, they catched up for a while, and I left them alone. Ilang taon rin silang hindi nag kita, they need it. 

After three beers, I told them to stop drinking kahit hindi pa sila lasing. Mag da-drive pa kasi si Sam, may pasok pa siya bukas. 

Nag order kami ng pizza bago siya umalis at kumain na muna. 

Watching the two of them makes me so happy. I have a very understanding boyfriend. 

I'm glad that he chose to stay despite everything that's happened. I thought he would leave, but he didn't. As a matter of fact, he loved me even more.

Nandito kami ngayon ni Lawrenz sa balcony, he'shugging me from behind as we talk.

"Saan ka nga pala mag iistay bi?" I ask

"Hindi ko pa alam eh." 

"Hahaha! Eh anong ginagawa mo dito?"

"Bakit taba? Ayaw mo ba akong makita?" 

Ayan nanaman yung taba word -_-

"Psh. Tumaba na ba talaga ako?"

He chuckled, "malamang, buntis ka kaya." 

"Kapag ako nanganak, babalik din aki sa dati." patampong sabi ko

"Eto naman, hindi ka na mabiro." 

"Kayo kasi eh." 

"Oo na po, sorry na." 

Humarap ako sa kanya, "pasalubong ko?" 

"Hahaha! Nasa maleta na po baby ko, pero hindi lang para sayo yun ah, para rin sa mga babies." 

I smiled, kinikilig na rin. I love it when he calls me baby. 

I hugged him tight, "I missed you so much." 

"I missed you too." 

"Hanggang kailan ka dito?" 

He smiled, "hindi ko pa alam eh. Kailan mo ba ako gustong bumalik?" 

"Never." 

"Never?"

I nodded. 

"Never." 

He kissed my forehead, "I think we can do something about that." 

I smiled, "what do you mean?"

"Based on your smile, I think you know what I mean. Dad already agreed about my proposal to manage our business branch here. Siya na daw ang bahala sa Hong Kong branch namin, pasalamat na rin daw ako sayo kasi kung hindi dahil sayo, hindi siya papayag." 

I smiled, wider. 

"Teka lang, I'll go get something." 

He left me for a while, siguro kukunin niya yung mga pasalubong niya. 

Napahawak naman ako sa tiyan ko. 

Ang swerte niyo mga babies. Ang daming nagmamahal sa ating tatlo. Ang bait bait ng Papa Lawrenz niyo. He loves us very much, your Daddy Samuel loves you two very much. I know it all  sounds very confusing right now, but I promise you, you will understand. Kapit lang kayo jan ah, ilang buwan na lang, makikita na namin kayo. 

Nakita ko ang flash ng isang camera. 

"Sorry, this moment was too beautiful not to capture." 

Napangiti ako. 

"I'm just telling the kiddos na sobrang saya ko kasi nandito ka na." 

"Nagbiro ka pa." 

"I'm not though." 

He just smiled, umupo siya sa tabi ko. 

"Bi, salamat ah." 

"Salamat?" 

"Oo, salamat. Kung hindi dahil sayo, baka kung ano ng nangyari sa akin ngayon. Thank you for picking up the pieces and putting me back together."

"I should be the one thanking you." 

"And why is that?" 

"Thank you for loving me." 

"Hindi ba dapat ako nag sasabi sayo niyan?" 

"Nasabi ko na eh." 

"Hahaha! Ewan sayo." 

"Ang dami na nating pinagdaanan." 

"Sobra." 

Hinwakan niya yung tiyan ko. 

"Babies, sa tingin niyo ba kung mag propose ako sa Mama niyo, mag ye-yes ba siya?" 

Natawa ako, "bakit daw po Papa? May balak ka bang pakasalan ang Mama namin?" 

"Ay! Nako! Matagal ko ng binabalak. Naghahanap lang talaga ako ng tiyempo." 

"Pero Papa, paano na kami?" 

"Paano na kayo? Siyempre, aalagaan ko kayo. Mahal na mahal ko kaya kayong dalawa! Pero sana huwag kayong magmana sa Mama niyo, minsan kasi, nababaliw siya. Huwag din kayo magmana sa Daddy niyo, masyadong masungit yun. Sa akin nalang, pogi pogi ng Papa niyo, mabait at madiskarte pa!" 

"Papa, sabi po ni Mama huwag masyadong mayabang. Masama din daw po ang mag sinungaling." 

Natawa si Lawrenz, "ganun ba? So hindi ako pogi?"

"Sabi po ni Mama, ang pogi pogi niyo daw po." 

"Kaya mahal na mahal ko ang Mama niyo eh." 

"Mahal na mahal rin po kayo ni Mama." 

"Kayo ba? Mahal niyo rin ba si Papa?" 

"Oo naman po Papa! At mas lalo namin kayong mamahalin kung ibibigay niyo sa amin yung mga pasalubong niyo." 

"Bago ko ibigay sa inyo ang mga pasalubong niyo, gusto ko lang sabihin sa inyo na masayang masaya ako kasi darating kayo sa buhay namin. Kahit hindi pa kayo lumalabas, mahal na mahal ko na kayo. Gagawin ko ang lahat para maging masaya kayong tatlo. Kasi kapag masaya ang mga babies at si Mama, masayang masaya na rin si Papa."

"Papa, tama na daw po ang drama sabi ni Mama. I-kiss niyo nalang daw po kami at tumayo na jan." 

Hinalikan naman niya ang tiyan ko, it tickles, it feels good. 

"Si Mama ba mga babies? Ayaw ng kiss?" 

"Pasok na lang daw kayo sa loob Papa." 

He looked at me ng nakakaloko. 

Tinaasan ko naman siya ng kilay, pero bago pa ako makagalawa, hinila na niya ako papasok.

Habang ako naman natatawa. 

---

*Revised


To Sir, With LoveWhere stories live. Discover now