Chapter Three - TS,WL

15.8K 306 9
                                    

Stephanie

As soon as I got downstairs, the smile on my face was wiped out. I saw Sam sitting at the dining table, sipping on his coffee. Remnants of our conversation yesterday suddenly crossed my mind yet again.

Akala ko ba move on na Steph? Bakit iniisip mo nanaman. Ish!

"Stephanie, gising ka na pala. Umupo ka na at kumain para hindi ka ma-late, hindi ka na kumain ng hapunan kagabi"

"Opo, good morning Manang." Hayst! Kung alam niyo lang kung gaano ako kagutom kagabi! Pero tiniis ko lang kasi ayoko makita yung isa diyan.

Ngiti lang ang ibinalik na sagot ni Manang at bumalik na sa kusina. Leaving me, with him.

I tried my best not to make any sound as possible habang kumakain. Ramdam na ramdam ko yung awkwardness between the two of us. Sheesh! Ganun na ba kaseryoso yung away namin kagabi?

Well, whatever. I'm not apologizing to him, no way, no how! Last time I checked, walang mali sa mga nasabi ko kagabi. If anything, he should apologize to me for acting like a piece of sh*t.

"Manang, mauna na po ako." 

Talagang binilisan ko ang pagkain para makaalis na ako agad, kasi naman yun isa, wala atang balak tumayo at umalis na. Duh, hindi ba siya mal-late???

"Sige anak, mag ingat ka. Nga pala, tumawag ang daddy mo Stephanie, mag dinner daw kayo mamayang gabi."

Napatingin ako kay Sam, kinabahan naman ako. Halatang nagulat din siya, usually kasi kapag nag d-dinner kami ni Daddy laging kasama si Sam. And of course, todo pretend na okay na okay kami. Our Dads both think that we've fallen madly in love with each other and that their decision to get us together was the best choice they've made. 

Paano yan? We're both not okay. 

Nginitian ko nalang si Manang at nauna ng umalis, usually sumasakay ako sa tricycle para makapunta sa school pero dahil napaaga yung alis ko, nag decide nalang ako mag lakad. Para na rin makapag-isip isip ako. Dadaan na rin ako sa coffee shop malapit sa school para bumili ng iced coffee.

Nasaktuhan ko naman na si Ate Girlie yung server na andun pag dating ko.

"Uy si ganda!" 

"Hehe, hi Ate! Yung usual ko po." 

"Coming right up. Dine in or take out?" 

Tumingin ako sa relo ko, "dine in nalang po." 

"Hmmm, sige." 

Umupo ako sa counter at pinanuod si Ate habang ginagawa yung kape ko, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyaring encounter kagabi. 

"Lalim ng iniisip natin diyan ah, care to share?"

Napatingin naman ako kay Ate bigla, tapos na pala yung order ko. 

I heaved a deep sigh, "bakit ganun Ate? Ang komplikado ng buhay."

"Luh, san naman galing yan?" 

"Hehe, wala po napaisip lang ako."

"Mukhang malalim yang pinag huhugutan mo ah."

"Parang ganun na nga." 

"Hindi naman komplikado ang buhay sis, nasa tao na yan kung gagawin nilang komplikado ang buhay nila."

"Paano yun Ate? Kapag may gusto kang gawin pero parang ang daming hadlang. Gusto mo tapusin ang isang bagay but you can't find it in your heart to end it kasi marami kang masasagasaan na tao."

To Sir, With LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu