" Hey potatow!" Rinig kong sigaw niya sa akin. Hindi ako lumingon. Paki ko ba. I'm not a freakin' potato. May pangalan ako.

" Sunglasses are not allowed in the basketball court!" Rinig kong sigaw niya ulit sa akin.

" Bakit ba, feel ko. Pakialam mo" I said.

I saw him smile.

" Yow, Makky, hindi ka ata magpapapicture ngayon. Tibay din natin ah. Pakipot mode muna. Blue, suyuin mo na patatas mo. Mukhang nagiging potato chips narin ang mukha" Rinig kong sigaw ni Code.

Papapatay ko na talaga iyang Castaneda na iyan.

" Hehe" I mockingly laughed. Bahala kayo sa mga buhay niyo jan. Wala akong pakialam.

I looked at Gabby and Bash. They've got what I mean.

" Let's go Gelo" Malamig kong saad sa kanya.

" Makky, take of your sunglasses and have picture with me." Saad ni Blue.

" Ayoko nga, ano ka, mahal na hari. Well sorry ka na lang, hindi ako ang mahal na reyna." Saad ko sa kanya.

I saw him smirk.

Tinanguan niya si Luis bago ang mga Jaguars.

" Go follow her" Rinig kong saad sa kanya ni Luis.

Hindi ko naman lubos isipin na susundan nga talaga ako ni Blue.

" Hey Potatow" Rinig kong tawag niya sa akin.

" Stop calling me Patatow, will you? Hindi ako patatas." Saad ko sa kanya.

" Nagtatampo ka na naman, Makky. Could you please stop making that attitude and face me" Saad niya sa akin.

" Ba't ka ba nagtatampo sa akin?" Tanong niya din sa akin.

" Ako pa talaga ang tinanong mo Alvarez." Saad ko sa kanya.

" I don't know your problem Makky. I don't even know why you're mad at me" He said.

" Huwag mo ng alamin. Alamin mo na lang kapag break na kayo ni Venice mo." Saad ko na lamang sa kanya.

" Paano kung hindi na kami magbebreak. What if there won't be any break up?" He asked back.

" Edi gawan natin ng paraan para magbreak na kayo" I told him.

He suddenly laughed at me.

" Tskk gago" I muttered.

" Selosa" Bulong niya sa akin pabalik

" Kapal mo din eh no" I told him.

Lalampasan ko na sana siya ng harangan niya yung daanan ko.

" Chill Potatow, galit ka na naman eh" Saad naman niya sa akin.

" Chill mo mukha mo. Tabi!"
I told him ngunit nagulat na lang ako ng sumigaw siya.

" Jaguars!" He shouted. Napatigil ako sa paglalakad sabay lingon sa kanya. Nagtaka ako, bakit ba 'to bigla bigla na lang sumisigaw.

" Makky! Sama ka sa victory party ng mga Jaguars, sa bahay tayo ngayon ni Code." Rinig kong sigaw ni Talc.

At talagang humingi pa siya ng tulong sa Jaguars.

" Come on Makky" Saad ni Blue.

" Sige na Makky, we need your support." Gusto kong masuka na lamang sa mga pinagsasasabi ng mga ito. Halata na mang nagkakampihan sila. But it wasn't when Luis spoke.

" It's better if you join, Makky. Walang kasama ang Reyna ko kung sakali man." He muttered.

So, this is for his advantage. Bravo Luis! Just Bravo. Gagawin mo na naman akong bantay ng mahal na Reyna.

But I will do it, without his words. Gabby's my friend for pete's sake. I don't need an order to do that.

Nakita ko ang tingin sa akin ni Gabby. It was as if communicating to me kung gusto ko ba o hindi. I bet she'll speak for me if ever that I won't like going with them.

Gusto kong sumama kahit wala naman akong dahilan para sumama. Blue will surely bring Venice with him. Baka kukulo na naman ang dugo ko dahil dun.

" Sasama si Makky" Pinal na saad ni Gabby.

I saw Blue smile.

Buwiset siya!

Wala siyang puso.

Well may puso siya pero na kay Venice kaya kailangan kong agawin pa iyun kay Venice.

Sama sama na kami nina President lumabas ng gym. Halos maglulunch na ng matapos ang game ng mga Jaguars.

" Makky, saan tayo?" Tanong sa akin ni Bash.

" Kahit saan basta wala dun ang mga Jaguars. Ayokong makarinig ng pambubully ni Blue ngayon. Todang toda na ako kanina pa." Saad ko kay Bash.

" Hey Potatow!" See, kasasabi ko lang eh. Narinig ko na naman ang boses ni Blue.

" Shut up Alvarez!" I told him. Napatingin ako sa kanya. Kasama niya si Venice.

Si Venice na naman.

Magsama kayo!

Pakialam ko ba

'Pero 'tong puso ko, may pakialam eh.

Palagi na lang 'tong napipiga kapag nakikita ko silang magkasama. And I am not that dumb not to know what is it.

Hindi sila bagay

" Dun tayo" Saad ko kina President.

" Iniiwasan si Blue?" Tanong naman sa akin ni Gelo.

" Buwiset na Alvarez iyan." I hissed. They all laughed at me.

" Aminin mo na kaseng authentic na crush mo talaga ang Alvarez na 'yun" Saad naman ni Bash.

" Siya ang unang magsasabi niyan sa akin. At kapag dumating ang araw na 'yun, sisiguraduhin kong wala ng Venice na kaagaw ko" I told them.

" Seryoso ka diyan Makky. Eh kapatid lang ata tingin sa 'yo ni Blue eh" Saad naman ni Dave.

Alam ko

Alam na alam ko iyan.

Palaging nagrerewind iyan sa utak ko.

Pero mahal ko

Higit pa sa pagiging kapatid ang turing ko sa kanya.

I just want to have his heart.

I'll surely won't break it.

——

The Break up Plan (Completed)  [R-18]Where stories live. Discover now