Secret 27: Island!

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakamot silang apat tsaka tinuro si Daniel. His eye widen. “Ako? Oi! Mga oldies! Hindi ako no! Wag kang maniwala diyan boss,  sila ang nagbihis sayo! Naku! Hindi ako manyakis 'no!” Bumalik ito sa CR tsaka binalibad nito pasara ang pinto ng banyo.

Tinawanan nilang apat si Daniel pero agad din itinikom ang bibig dahil matalim na tiningnan niya ang mga ito.  “What’s so funny? Hindi ito nakakatawa ang ginawa ninyo sa akin! last warning na ninyo ito kung hindi ay malilintikan kayo sa akin! huwag na huwag ninyo itong uulitin!”

 “Boss naman... pft.” Si Erica 'yon.

Walang nakakatawa! Bwisit!

 “Sorry boss may naalala lang ako—pft!”

 “hahaha LOL Erica… pasensya ka na boss, hindi na namin 'yan uulitin. Sorry! ayy aalis na din pala ako boss.” Wika ni Joanaliza, teka ba’t glowing ata siya ngayon? Teka at bakit nakasuot ito na pina-girly clothes? Weird!

At teka! Ba’t parati silang tumatawa na walang dahilan? Unless may nangyari kagabi na nakakatawa. Shit!

 “Anong problema don?” Nakakunot na tanong niya nang makaalis na si Joanaliza.

 “She’s going to confess her love to George.” Sagot ni Mhikaila.

Ang kakambal ni Neiji? Naman, hindi parin nawala 'yong pagsinta nito doon? Hindi naman sa ayaw niya sa lalaki pero muntikan na kasing madiskubre 'yong sekreto nila two years ago dahil sinusundan sila kung saan sila pumupunta.

Biglang may sumaging plano sa isipan niya. Bumalik siya sa kwarto at nagpalit ng damit.

“BOSS SUNDAN NATIN KAYA SIYA? GUSTO MO?” Wika ni Erica sa labas ng kwarto niya.

 “Nope.”

 “Boss naman!” Bumukas ang pinto. Phew. buti nalang at nakasuot na siya ng damit. 

“Ayoko. Hindi ako tsismosa na gaya ninyo.”

Nanghaba ang nguso niya.  “Naman eh...  kainis naman eh... porque may gusto ka—ops.”

Yumuko siya tas naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Sabi na nga ba eh! may nangyari talaga kagabi! Nasabi niya siguro na may gusto siya kay Rui! Agh!! pero agad din naman niya binalik ang cold expression niya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone tas nakatanggap siya ng madaming miss calls at text message.

250 miss calls!

100 messages! 

Presea:  Paktay kang bata ka! Uwi ka na! galit na galit si daddy sa'yo! Hala ka!

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon