Secret 13: Puppy

20.6K 325 13
                                    

DONE EDIT. (2/16/14)

Chapter 13

Puppy

PATINGIN-TINGIN si Zia sa mga librong nakahalera sa estante. Balak niyang bumili ng bagong libro para naman kung sakaling hindi siya bagutin sa biyahe, mamaya. Alas dyes kasi ang usapan nila at may isa’t kalahating oras bago siya pumunta sa school. Pagkatapos niyang bumili ng libro ay nakatanggap siya ng tawag kay Sunny.

“Hello?”

“Anong ibig sabihin na mawawala ka ng apat na araw?!”

Inilayo niya ng kunti ang cellphone sa tenga niya tas pagkatapos nitong maglitanya ay ibinalik niya iyon tenga.

“Hindi pa ba sinabi sa'yo ni Daniel na may field trip ako ngayon. We’ll be going to bukidnon.”

“Ehh! Ang layo naman niyan dito eh. Pano na iyong mga activities natin?” Kaya ayaw niyang makipag-usap sa iba maliban kay Daniel eh dahil sa madaming tanong. Hay naku.

“Si Neiji at Akira na ang bahala sa inyo. Apat na araw lang naman iyan eh.”

“Pano ba iyan? May nakalap akong impormasyon kay Joseph Morejo.” Nanginginig ang kalamnan niya ng banggitin nito ang pangalan ng lalaking nam-bully sa kanya noong first year siya na muntik na din niyang ikinimatay. Minsan kasi ay tinutulak siya ng lalaki sa hagdan at muntik na siyang ma-comatose. It was a miracle na hindi iyon nangyari.

Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na iyon pero pagkatapos na lang ng field trip niya isakatuparan ang balak niyang paghihiganti rito.

Hindi siya nagsisi kung naging isa siyang masamang tao, at least hindi pa siya nakakapatay unlike that bastard! Hindi lang naman siya ang naging biktima nito pati na din ang kaibigan niya na si Thea, dahil sa lalaking iyon ay nagpakamatay ang kaibigan niya sa sobrang depression.

“We’ll talk later about that after the field trip.” Sabi niya pagkatapos ay ini-off niya ang cellphone niya.

Matapos ang usapan nila ni Sunny ay lumabas na siya sa gusali at naglakad. Nasa isipan parin niya si Joseph. Soon, she’ll make his life in hell like he did to her. Habang iniisip niya ang plano ay napaatras siya ng mabangga siya sa katawan ng isang lalaki. Matangkad ito at mukhang myembro ng isang kulto.

“Tingnan mo nga ang dinadaan mo!” Singhal nito sa kanya. Tinulak pa niya ako ng mas lalong kaya nawalan ako ng balanse at natumba. Ngalingngaling sapakin niya ito eh!

“Ramon!” Tawag ng isang lalaki sa tumulak sa kanya. Nang lumingon siya ay si Rui iyong nakatayo malapit sa kanila, mas mukha itong gangster ngayon kesa noon. Messy jetblack hair na bagay lang naman rito tas ang tatlong batunes ay nakabukas kaya sumungaw ang malapad na dibdib nito. Parang nagsiliparan sa tiyan niya ang mga paru-paru habang nakatitig siya rito, hindi umaalis sa kinauupan.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon